Chapter 64

21 2 0
                                    

Alexandra Claire's POV

Nagising naman ako sa alarm ko. Nagcheck lang ako ng social media accounts ko. Tumayo naman ako, lumabas ng kwarto ko. 

Tiningnan ko naman yung kwarto ni Qiel, pero wala pa siya.

Bumaba nalang ako.

Nagtimpla lang ako ng kape. 

Tiningnan ko naman messages namin, wala parin siyang reply. 

Alexandra Claire

Love, you okay? I hope everything's fine. Uwi kana, I miss you 


Sinend ko lang, tsaka ko gumawa ng grilled cheese para umagahan ko.

Pagkagawa ko, nagtimpla lang ako ulit ng panibagong kape ko. Dinala ko naman sa lamesa tapat ng sofa. Binuksan ko naman yung tv, nanuod nalang ako sa youtube.

Naipause ko yung pinanunuod ko ng marinig kong maynagmessage sa phone ko.

Pagtingin ko si Axel lang pala.

Axel Valentine
Mga 1pm sunduin kita jan ha

Shit! Oo nga pala, lalabas kami.

Jusko, hindi pa alam ni Qiel.

Shit.Shit.Shit

Alexandra Claire

Sige, see you

Reply ko nalang.

Napatayo naman ako, napahilamos ako sa mukha ko.

Imemessage ko nalang si Qiel, then sasabihin ko kay Axel na hanggang friends nalang muna kami.

Yun, ganon nalang gagawin ko.

~•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••~

"Naglunch kana?" bungad na tanong saakin ni Axel nung makalapit ako sa kanya. na nakasakay siya sa motor ni Kuya Timothy.

"Hindi pa, saan ba tayo pupunta?" tanong ko.

"You'll see" abot niya saakin ng helmet.

"Daming alam" sabi ko kuha ng helmet sa kamay niya at sinuot ko naman.

"Tara na?" ngiti niya.

Sumakay naman na ako. Humawak naman ako sa balikat niya. Pero kinuha niya lang kamay ko, inakap niya sa bewang niya.

Pinaandar naman niya agad motor, nagmaneho na siya.

Ang lakas ng kaba ko.

Hindi pako nakakapagpaalam kay Qiel.

Nakausap ko naman siya kanina, may iniinda pala na sakit Mom niya. Sinugod agad sa hospital dahil hindi na kaya yung sakit.

Inoperahan agad sa appendix, tulirong-tuliro siya. Naawa nako, hindi ko rin nakausap ng maayos dahil pinatay niya agad.

Puntahan ko nalang siguro siya agad mamaya. 

Lagot talaga ko, jusko.

"Xandie, andito na tayo" natatawang tawag pansin saakin ni Axel.

Napabitaw naman ako sa yakap sa bewang niya. Bumaba naman kami parehas ng motor niya.

Nakatingin naman siya saakin ng nakakaloko.

Music led us to be togetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon