Timothy's POV
"I Quit" walang kaemo-emosyon niyang sabi.
Napanganga naman kami lahat.
Pero lumakad naman siya sa pintuan at lumabas. Hinabol naman siya ni Veron at Danielle.
Napatulala nalang ako sa hawak kong resignation letter niya.
Maya-maya pumasok na ulit yung dalawa.
"Hinabol namin siya pero pinaharurot niya yung kotse niya" hingal na hingal na sabi ni Danielle.
"Tuloy pa ba yung bukas?" tanong ni Qiel.
"Plano niyo ba toh ni Xandie?" tanong ko sa kanya.
Napangisi naman siya sa sinabi ko.
"Yon pa talaga ang pumasok sa isip mo? Iba ka talaga Kuya Timothy! Sa tingin mo ba kagaya mo kami ni Claire na ganyan mag-isip? Kung iniisip mong pakana ko toh dahil sa ginawa ko dati. Tangina, tama na yung isang pagkakamaling ginawa ko! Sirang-sira na kami ni Claire, sa tingin mo maiisip pa namin yon?!" galit na galit na sabi niya.
"Ano ba problema? Ha? Lahat naman sana ginawa ko para sa inyo! Inaayos ko na nga lahat para sa inyo, ako na gumagawa ng paraan para magkaayos kayo. Ginagawa ko yon para sa ikakabuti ng lahat"
"Magkaayos? Ikabubuti ng lahat? Naririnig mo ba Kuya yang sinasabi mo? Tangina nung pinagpapanggap mo kaming magkahiwalay ni Claire dati. Hindi kami makagalaw ng maayos nun, dahil parehong mabibigat ang loob namin. Alam mo kung bakit? Dahil lagi na kaming nag-aaway! Pareho kaming nasasaktan, pati si Axel sinasaktan mo kasi pati siya lolokohin mo! Iyak ng iyak nun si Claire saakin dahil nahihirapan na siya at nasasaktan niya ko sa pinagagawa mo sa kanya. Ikabubuti ba namin yon? Kuya sinunod ka namin kasi nirerespeto ka namin, hindi kami nagrereklamo. Pero sobra na, sumusobra kana" gigil na sabi ni Qiel at akmang susugurin ako ng pumagitna si Alexis.
"Ayokong sumali sa problema niyo magkakapatid pero nag-aalala ko kay Alexa eh. Alam niyo si Alexa ang nadedehado sa gulo niyo magkakapatid! Hindi kayo ang pinaglalaruan, si Alexa ang napaglalaruan! Siya tong naiipit, siya tong nagsusuffer sa mga pinaggagagawa niyo. Ilang araw ko nang nakakasama si Alexa, wala siyang ginawa kundi umiyak. Nung hahawakan ko yung buhok niya, napasigaw siya sa takot. Nung nilapitan ko, nanginginig siya sa takot. Natrauma na siya lahat lahat, sarili niyo parin iniisip niyo. Sinisira niyo lang si Alexa" makabuluhang sabi ni Alexis na nakapaghinto saaming lahat.
Axel Valentine's POV
"Anong nangyari kay Claire?!" nagpapanic na sabi ni Qiel mula sa kausap niya sa telepono.
"Papunta nako!" sabi pa ni Qiel.
"Anong nangyari?" tanong ko.
"Sinugod si Claire sa ospital" sagot niya at tumakbo sila ni Alexis sa labas.
Tumakbo din kami nila Kuya Timothy sa Van at sinundan yung kotse ni Qiel papuntang hospital.
Shit, kasalanan namin toh.
Pagkarating, lahat kami pumasok ng hospital at hinanap yung room ni Xandie. Nung nakapagtanong kami, sinunod lang namin sabi ng Nurse. Natanaw namin agad yung kaibigan ni Xandie.
"Huwag muna kayo magpakita kay Xandie" banta saamin ni Cassie. Bakas sa mukha niya na kaiiyak niya lang.
"What happened?" tanong ni Qiel.
"Pumunta siya sakin sa apartment ko, umiiyak. Pinapatahan ko siya ng biglang para siyang hindi makahinga. Pinapakalma ko siya pero hindi talaga siya makahinga ng maayos. Pilit siyang naghahabol ng hininga. Bigla nalang siyang hinimatay at nanginig sa takot ko dinala ko siya dito sa hospital" mangiyak-ngiyak niyang kwento.
BINABASA MO ANG
Music led us to be together
Teen FictionAlexandra Claire Coellin, a girl who loves to sing. She just entered a new university. A classmate of her introduced her to his band. She took the opportunity and she just shine in her own way. They sang together and their chemistry is above the top...