Chapter 53

17 2 0
                                    

Danielle's POV

"Asan na kaya yung lalaki na yon?" tanong saakin ni France.

"Basta hintayin lang daw natin siya, may kausap lang daw siya rito" sagot ko naman habang naglalakad kami parehas.

Nagkayayaan kami tatlo na manuod ng sine ngayon. May horror movie kaming napagkayayaan na panuorin.

Hinahanap lang namin ngayon si Axel dahil naiinip na kaming dalawa.

"Si axel yun oh!" turo ni France sa loob ng isang coffee shop.

"May kasamang babae!" sabi ko ng makita ko.

"Parang familiar, hala pre diba kaibigan ni Xandra yon?" sabi niya na ikinasang-ayon ko.

Nung tumayo si Axel sa pagkakaupo niya, dali-dali kaming lumayo ni France.

Kaagad din naman tumawag saakin si Axel, pinuntahan naman niya kami agad.

"Hoy may bago ka atang chicks? Nakamove on kana kay Xandra? Nakakaproud ka pare!" bungad ko sa kanya.

Napakunot naman agad noo niya sa sinabi ko.

"Anong chicks? Wala noh, Xandie parin toh" turo niya sa puso niya.

"Ehh sino yung kasama mong babae kanina?" tanong ni France.

"Tsaka kaibigan ni Xandra yun ah" dugtong ko pa.

"Wala lang yun, tara na late na tayo sa panunuorin natin" iwas niya.

Nagkatinginan lang kami ni France.

Umakyat naman na kami sa sinehan.

Alexandra Claire's POV

"Welcome back!!!!" salubong ko kay Cassie pagkapasok ko.

Nagyakapan naman kami dalawa.

"Dito kana talaga magiistay?" tanong ko sa kanya.

Andito kami ngayon sa restobar ni Kuya Timothy.

"Oo Bessie, buti nga pinayagan ako ng parents ko. Dapat nga sa Visayas pako mapupunta dahil doon yung probinsya namin. Pero syempre, mas gusto ko kasama ka kaya dito ko" kwento niya.

"Yieee, nakakatouch naman!" natatawa kong sabi sa kanya.

"Syempre ikaw pa!" 

"Saan ka na niyan nakatira?" tanong ko sa kanya.

"Sa subdivision na malapit sa Geo Mall ? Aguinaldo Subdivision?" sagot niya.

"Layo mo pala" sabi ko.

"May malapit ba sayo na apartment?" tanong niya saakin.

"Meron ata, tatanong ko nalang" sabi ko.

"Sige sige"  sang-ayon niya.

Kumain naman na kami dalawa, nagkwentuhan din about sa pagbabalik niya rito.

"Kamusta naman si Alexis? Nagkikita paba kayo?" tanong ko sa kanya.

"Hindi naman siya bumalik sa Amerika nung umuwi kami dito nung nagperform tayo sa iba't - ibang lugar . Ang huling kita ko sa kanya nung graduation party mo " sagot niya naikinagulat ko.

"Oh? Hindi ko alam. So ibig sabihin hindi siya galing ng amerika nung nagparty ako?" sabi ko.

"Oo, kaya siya lang tong hindi mukhang jetlag. Nagbakasyon pa nga sila ng pamilya niya, dami nga nilang post" kwento pa niya.

Music led us to be togetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon