Alexandra Claire's POV
"Nakausap ko na pala siya" sabi ko habang nagmamaneho ng kotse ni Aralynn.
"Sino?" tanong ni Aralynn na katabi ko.
Papunta kami ngayon sa isang kainan, maghapunan na kami don.
"Yung sa banda" sabi ko.
"Oh, ano sabi?"
"Sabihan ko lang daw siya kung interesado ko, itatanong pa niya sa manager niya kung paano yung audition" kwento ko.
"Ayun naman pala, so kasama mo siya sa gig?"
"Oo, ang daldal nga ih" sabi ko.
"Be careful, yang puso mo" paalala niya.
"Opo" sabi ko.
Pagkarating namin, kaagad din naming nakita sila Kiana at Ellaine na kasama mga boyfriend nila.
Pumasok naman kami sa loob, may mini stage sa harapan. Nasa pinakaharapan sila nakaupo na, agad naman naming pinuntahan ni Aralynn. Naupo din naman kami katabi sila.
"Nakaorder na kami, 5 minutes ago" sabi ni Kiana.
Nagkwentuhan lang kaming anim hanggang dumating na yung pagkain namin. Kumain din naman kami agad.
"Xandie tingin ka sa harap dali" bati saakin ni Kiana.
Napatingin naman ako sa harapan, nasa stage si Axel. May instrumento sa likod niya at may iba pa siyang kasama.
"Magandang gabi sa inyong lahat! Kami nga pala ang Z Band" sabi ni Axel sa lahat.
"Hi Xandie!" kaway niya sakin.
Jusko.
"Tulad mo by Tj Monterde" sabi niya at tumugtog na nasa likod niya.
"Paborito mo yun diba?" palo saakin ni Ellaine.
"Ano ang iyong pangalan?
Nais kong malaman
At kung may nobyo ka na ba?
Sana nama'y wala" nakatingin niyang kanta saakin.
Napatingin naman ako kila Kiana na iniilingan si Axel. Natawa naman ang loko.
"'Di mo 'ko masisisi
Sumusulyap palagi
Sa'yong mga matang
O, kay ganda, o binibini" kanta niya at itinuro pako.
Niyuyugyog naman ako ni Ellaine na katabi ko. Kilig na kilig ang mga gaga.
"O, ang isang katulad mo
Ay 'di na dapat pang pakawalan
Alam mo bang 'pag naging tayo
Hinding-hindi na kita bibitawan
Aalagaan at 'di pababayaan
'Pagkat ikaw sa'kin ay prinsesa" kanta niya.
BINABASA MO ANG
Music led us to be together
Teen FictionAlexandra Claire Coellin, a girl who loves to sing. She just entered a new university. A classmate of her introduced her to his band. She took the opportunity and she just shine in her own way. They sang together and their chemistry is above the top...