Chapter 8

60 7 1
                                    

Alexandra Claire's POV

"Uyy Xandie!" rinig kong tawag saakin ni Axel.

"Ha?" tanong ko.

Napakamot naman siya sa ulo, napatingin naman ako sa paligid ko. Kaming dalawa nalang pala dito sa room.

"Ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong niya saakin.

"Oo, ayos lang ako" sagot ko naman.

"Sure ka?"

"Oo, saan ka maglunch? May kasabay kaba?" tanong ko nalang.

"Sila Danielle" sagot niya.

"Ikaw?" tanong niya.

"Kila Kiana nalang siguro ko sasabay, magugulo kayo eh. Kailangan natin magreview" sabi ko.

"Sa bagay" sabi niya.

Nagpaalam nalang ako sa kanya, naghiwalay narin naman kami. Last day ng exam ngayon, naiistress ako kay Alexis.

Bakit ngayon pa siya umuwi? Exam namin eh, nakakainis.

Buti dalawang subjects nalang.

Hindi na ako nakapagreview ng maayos kagabi kakaisip sa kanya.

"O ano? Kamusta ka naman" bungad saakin ni Aralynn ng makaupo ako sa tabi niya.

"Nakasagot naman" sabi ko nalang.

"Parang walang nangyari noh? Bigla na lang siyang umuwi sayo" sabi naman ni Kiana.

Naalala ko tuloy kung anong nangyari samin dati.

Everything is going well between us, until nung nagcollege kami. Dahil magkaiba kami ng course, hindi na kami laging magkasama. Halos wala na kaming time para sa isa't-isa, nagsimula na yun nang laging pag-aaway namin. Hanggang sabihin niya saakin na maghiwalay na kami. At bigla nalang nagpaalam na pupunta na daw silang england ng family niya. Hinatid ko parin siya sa airport non, kahit na hindi ko kaya.

Umuwi daw siya rito sa Pilipinas para bisitahin ako. Para narin daw ayusin yung nasira saamin.

Napabuntong hininga nalang ako.

~••••••••••••••••••••••••••••••••••••~

"Acquaintance na, yes!" masaya kong sabi.

"Sayang hindi kami makakasama" malungkot na sabi ni Axel.

Naglalakad na kami ngayon paalis ng building namin. Sama daw siyang kumain sa labas, pupuntahan na namin sila Aralynn ngayon.

"Aww kawawa ka naman" sabi ko.

"Nag-aaya kasi si Mama na maglibot kami" sabi pa niya.

"Vacation naman pala eh" sabi ko.

Kinawayan ko naman sila Aralynn na nakaabang na sa tabi ng kotse niya. Nilapitan naman namin sila agad.

"Xandie, teka" hindi na niya natapos sasabihin niya ng marinig kong may tumawag saakin.

"Alexa!" rinig kong tawag niya saakin mula sa likod ko.

Shit.

Kilala ko na agad kung kaninong boses yon.

Napatulala nalang ako sa nakita ko, si Alexis may dala-dalang malaking bouquet ng bulaklak habang nakangiti saakin. Napatakip nalang ako ng bibig ko at nilapitan si Alexis.

Music led us to be togetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon