Qiel Augustus POV
Naiwan ako mag-isa sa park, napatulala nalang ako sa sahig.
Nagtuluan naman ang mga luha ko. Napahawak pako sa dibdib ko dahil kumikirot.
Gusto kong magalit sa sinabi niya pero alam kong hindi totoo yon.
Ang saya-saya naman namin nung mga nakaraang araw. Halos kami naman ang laging magkasama at magkausap.
Bakit naging sila? At bakit siya parin pinili niya?
Tsaka kung sila, bakit kami lagi ang magkasama at magkausap? Eh sila tong magkablock?
She even told me that I'm her favorite person.
May mali, may mali talaga.
Naglakad nalang ako papuntang building, umakyat sa room ko.
Kinuha ko lang yung bag ko at umuwi na. Wala naman ng klase, ala narin namang akong hihintayin pa.
Diretso naman ako sa kwarto ko pagkarating ko sa bahay. Wala pa sila Mom and Dad.
Napaupo nalang ako sa kama ko, nahagip naman nang mata ko yung ginawa kong scrapbook.
She likes diy gifts, mostly full of effort and artsy things.
Bibigay ko sana sa kanya pagtatanungin ko na siya. Nakalagay don yung unang performance namin at iba pang memories.
Napahiga nalang ako, napatulala sa kisame.
Ipipikit ko na sana yung mata ko ng marinig kong may tumatawag sa phone ko.
Nang tiningnan ko, si Drake lang pala kaya agad kong sinagot.
"Why? I'm already home" bungad ko sa kanya.
"Anong why? Kala ko ba sabay tayong uuwi dyan sa bahay niyo para maglaro?!" inis niyang sabi.
"Sorry bro, something came up" sabi ko nalang.
"Anong nangyari?" rinig kong tanong ni Joshua.
"Si--" magsasalita na sana ko ng putulin ako ni Drake.
"Papunta na kami dyan" sabi niya, sabay patay ng tawag.
Bumaba naman ako agad para abangan sila. Nagmerienda nalang ako, nakarating din naman agad sila.
"Ano problema pare?" bungad saakin ni Drake pagkabukas ko palang ng pinto.
Pinapasok ko naman sila, naupo naman agad sila sa sofa sa salas.
"Pinatigil nako ni Claire manligaw, kasi sila na daw nung Axel" kwento ko.
"What the hell?!" sigaw ni Joshua.
"Panong magiging sila? Eh kayo lagi magkausap at magkasama?" sabi pa ni Drake.
"Yan din pinagtataka ko" sabi ko.
"Something's fishy" napatingin na sabi saakin ni Joshua.
"Tanungin ko si Aralynn" sabi ni Drake.
Agad naman siyang nagphone.
Minasahe ko lang ng daliri ko yung ulo ko.
He doesn't deserve her, I know something is not right. And I'll make sure that I'll make it right.
"Ngayon lang daw nila nalaman, nagkukulong daw si Xandie sa room niya" sabi ni Drake.
BINABASA MO ANG
Music led us to be together
Novela JuvenilAlexandra Claire Coellin, a girl who loves to sing. She just entered a new university. A classmate of her introduced her to his band. She took the opportunity and she just shine in her own way. They sang together and their chemistry is above the top...