Chapter 42

24 2 0
                                    

Qiel Augustus POV

Pagdating namin sa venue, agad naman sila nagsigayak. Buti natulog si Xandie, hindi siya mapapagod agad.

Nagstay lang ako sa room na pagpapahingahan namin ni Xandie. Buti kami lang.

Nagdamit din naman ako ng formal at nag-ayos ng sarili, para presentable ako mamaya. Andito lang ako sa veranda ng room namin, pinanunuod yung mga staff na mag-ayos ng event sa garden.

Ang ganda ng pagkakagawa.

Siguro ganito rin gusto ni Xandie.

Naalala ko yung letter nila Ellaine, pano kaya yon. Hayop.

Kailangan maunahan ko sila na sabihin yon, sasabihin ko yung totoo. Pero sana mapatawad niya ko.

Napapasok naman ako sa loob ng marinig kong bumukas yung pinto.

Napatigil nalang ako sa pagkakatayo ko ng makita ko si Xandie.

Lalo siyang gumanda sa ayos niya ngayon.

Tangina, totoo pala yun.

"Nabighani oh" tawa ni Kuya Timothy.

"Love naman, huwag ka ngang ganyan. Tara na" sabi niya tsaka yumakap saakin.

"Muntikan kang makalimutan niyan" tawa ulit ni Kuya Timothy.

Natawa naman kami don.

Muli akong napasulyap kay Xandie.

Napangiti nalang ako ng malaki.

Hinila naman na niya ko palabas, papunta dun sa garden. Nang makarating kami dun sa nakaayos na garden wedding.

"You're so gorgeous" bulong ko sa tenga niya tsaka nagnakaw halik sa pisngi niya.

Namula naman siya sa gulat.

Ngumiti naman siya ng pagkatamis-tamis.

Umakap naman din siya sakin tsaka kiniss yung cheeks ko magkabila.

Nagtitigan lang kami ng punong-puno ng pagmamahal sa mata habang matamis na nakangiti sa isa't isa.

"Wala sa lips?" malambing kong tanong.

"Ihh mamaya, huwag dito" sabi niya.

"Sige mamaya" pilyong ngiti ko.

"Hindi, I meann" nagpapanic niyang sabi.

"Wala ng bawian" pigil ko sa kanya.

"Napaka mo!" palo niya saakin.

Tinawanan ko lang siya.

"Papicture tayo dali" sabi niya tsaka hinila si France.

Pinicturan naman kami ni France habang nandidiri ang itsura.

"Buset ka France, single ka lang eh" tawa ni Xandie.

"Huwag mo naman ipagsigawan" sabi ni France.

Natawa nalang kaming dalawa.

"O picture naman tayong lahat" lapit ni Kuya Timothy.

Pinicturan naman kaming pito ng isang staff na napakiusapan.

"Thank you Kuya" pasalamat ni Xandie.

"O tayo namang banda" sabi ni Kuya Timothy.

Nagkusa naman akong kunin yung mga Phone nila.

Pinicturan ko naman silang anim.

Napangiti naman ako sa picture nila kasi ang saya-saya ng girlfriend ko.

Music led us to be togetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon