Alexandra Claire's POV
"Siguro, may pinaghuhugutan ka sa kanta ni Daryl Ong na stay noh?" tingin niya saakin.
"Ikaw nagsuggest saakin non, last month pa yun ahh" sabi ko.
Papunta kaming mall ngayon. Nagpapasama siyang bumili ng regalo niya kay Kuya Timothy.
"Aminin mo nalang kasi" tawa niya.
"Ano ba meron? At kinukulit mo ko sa kantang yon?" inis kong tanong.
"Wala lang, curious lang ako dahil mukhang damang-dama mo" sabi pa niya.
"Broken ka noh?" tanong pa niya.
Inirapan ko naman siya.
"So broken ka nga?"
"Nakamove-on nako" sabi ko.
"Ano yan? First boyfriend?" usisa niya.
"Alam mo ang daldal mo" sabi ko.
"Sagutin mo nalang kasi" pilit niya.
Napabuntong hininga naman ako, dahil naalala ko na naman.
"Oo na" sagot ko.
"Tutal ganito usapan natin, nagkagirlfriend kana?" tanong ko agad para maiwas ang topic na yon saakin.
"No girlfriend, since birth" natatawa niyang sabi.
"Seryoso?" hindi ko makapaniwalang tanong.
"Tanong mo man kay Kuya Timothy, kahit kila Danielle pa" sabi niya.
Pinanliitan ko naman siya ng mata.
"Una't huli kasi hanap ko" sabi niya.
Wow
"Aba, iba!" sabi ko.
"Good boy ako eh" sabi niya pa.
"Hindi bagay sayo" tawa ko.
"Sakit naman" may pahawak sa dibdib pa niyang sabi.
Tinawanan ko lang siya.
Nakarating naman kami agad sa mall, nagpark lang siya sa parking lot. Umakyat rin naman kami agad sa mall.
"Sa lahat ng pwede kang samahan ba't ako pa?" sabi ko kay Axel.
Nag-iikot kami ngayon sa mall dahil bibilan niya raw ng regalo si Kuya Timothy.
"Eh ikaw gusto ko eh, tsaka sabi mo nga wala ka pang regalo. O diba? May benefit parin yung pagsama mo saakin" sabi niya.
"Dami mong alam, kainis ka" irap ko.
Ilang store's na ata yung napapasukan namin, wala parin siyang nabibili.
"Eto oh, mukhang magugustuhan toh ni Kuya Timothy" turo ko sa isang polo.
Umiling lang siya at tiningnan yung iba pang nakadisplay.
Bwisit.
Kinuha ko naman at binili na agad.
"Binili mo?" gulat niyang tanong ng makita niyang may dala nakong paper bag.
"Oo, ayaw mo eh" sabi ko.
Umikot pa kami sa ibang store.
"Nga pala, may powerpoint na ba kayo ni Jessie?" tanong niya saakin.
"Oo, kagagawa ngalang namin kagabi sa bahay" kwento ko.
"Close na kayo?" tanong niya.

BINABASA MO ANG
Music led us to be together
Novela JuvenilAlexandra Claire Coellin, a girl who loves to sing. She just entered a new university. A classmate of her introduced her to his band. She took the opportunity and she just shine in her own way. They sang together and their chemistry is above the top...