Chapter 20

6 0 0
                                    

Alexandra Claire's POV

"Excited ka naba?" tanong ko kay Qiel.

"Sobra" ngiti niya saakin.

"Pero syempre mas excited sila Tita Reina at Tito Derek" sabi ko naman.

"Oo naman, biruin mo gragraduate na ang unico iho namin" muntikan pang maiyak si Tita Reina.

"Mom, huwag ka muna umiyak please" sabi ni Qiel.

"Mom mo talaga" natatawang sabi ni Tito Derek.

"Pero mas excited kami sa pagpunta niyo ng america, galingan niyo sa pupuntahan niyong event ha" ngiti saamin ni Tito Derek.

Nagkatinginan naman kami ni Qiel, napangiti nalang.

May kumontact kay Ma'am Tolentino na entertainment company. Nimeet nila kami para pakinggan muli kaming dalawa. Isa sa judges yung CEO nila nung last contest namin. Inofferan kami na mag-aral sa amerika, para mas mag-improve yung talent daw namin. Basta daw, galingan namin sa pupuntahan naming event. Tinanggap naming dalawa, nakakatakot pero mas nangingibabaw ang excitement.

Papunta kami ngayon ng Alvarez University, graduation ni Qiel.

"Eto na!" excited na sabi ni Tita Reina pagkapasok namin sa university.

Pumasok naman agad kaming apat sa closed gym ng university. Naupo kami ni Tita Reina sa hilera ng ibang kasama. Tinatanaw lang namin sila Tito Derek at Qiel sa hilera ng mga graduates.

Nang malapit na si Qiel, punta na kami sa harap ni Tita Reina. Pinicturan ko naman sila ng Dad niya. Napakasaya nila, nakakaproud tingnan si Qiel.

Pagkababa nila sa stage, nilapitan naman namin sila agad.

"Congratulation Augustus" salubong ko sa kanya ng yakap.

"Thank you for being here" rinig kong sabi niya.

Humiwalay naman ako agad sa yakap.

Pinicturan ko naman silang family, after nila pinicturan naman kami ni Qiel ni Tita Reina.

"Tara na? Takas na tayo" natatawang sabi ni Tito Derek.

"Tara na dad, gutom nako" sabi ni Qiel.

Nagtawanan lang kami at umalis na.

Axel Valentine's POV

"Dadating daw si Xandie" sabi saamin ni Kuya Timothy.

"Ano kakantahin nila?" tanong ni Kuya Veron.

Kinabahan naman ako bigla, ngayon nalang ulit siya nakipaggig. Simula non, nakalayo na siya lagi saakin.

Pinupuntahan ko siya, nilalapitan ko siya pero lumalayo lang siya. Hindi na niya ko kinausap.

"Little do you know?" sabi ni Danielle.

Napatingin naman sila saakin, tumango lang ako.

"Pumayag din si Xandie, kausapin mo nalang si Xandie sa solo niya Danielle" sabi ni Kuya Timothy.

Maya-maya dumating narin si Xandie, kasama niya mga kaibigan niya.

"Xandie, namiss kita!" salubong ni France sa kanya.

Niyakap naman siya ni Xandie.

"Congrats nga pala, nabalitaan kong mag-aabroad ka daw" sabi ni France na ikinalaki ng mata ko.

"O bakit ka mag-aabroad?" tanong ni Kuya Veron.

"May nag-offer na entertainment company saamin ni Qiel na mag-aral sa america. Tinanggap namin dalawa, kasi mukhang magandang opportunity yon" kwento niya.

Music led us to be togetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon