Chapter 7

71 7 2
                                    

Alexandra Claire's POV

"Congratulations Alexandra!" palakpakan ng mga kaklase ko pagkapasok ko ng classroom.

Late na nga ako.

"Thank you" ngiti ko, naupo naman ako sa upuan ko.

"Iba na talaga" napapailing na sabi ni Axel.

Inirapan ko naman siya.

"O tapos na ang foundation, malapit na ang exam niyo. Magseryoso na ulit sa pag-aaral ha" sabi saamin ng professor namin.

Nagsimula naman na magturo ang professor namin. Hanggang sa magsunod-sunod na ang subjects namin.

Magkasama kami ni Axel at Aralynn na maglunch sa canteen. Katatapos lang namin, pabalik na kami sa building namin.

"Congrats Idol!" apir saakin ng nakasalubong kong kacourse namin.

"Thank you!" sabi ko naman.

Diretso lang lakad namin.

"Bawat dumaan, nakacongratulations sayo ah" sabi ni Axel.

"Galing kasi masyado eh" sabi pa ni Aralynn.

Napapailing nalang ako, kanina pa sila ganyan. Bawat congratulations naman, nakathank you naman ako.

"Madami na bang pinagagawa sa inyo?" tanong ko kay Aralynn.

"Oo, nakakaloka na" sagot niya.

"Same" sabi ko naman.

"Ilan na pinapagawa satin?" tingin ko kay Axel.

Sasagot na sana siya pero napahinto ako sa pagsabay sa paglalakad sa kanila, nang makita ko si Qiel.

"Augustus!" tawag ko sa kanya.

Napatingin naman siya saakin, lumaki agad ang ngiti niya. Lumapit naman ako sa kanya, nasa tapat siya ng room nila. Kasama naman niya sila Drake at Joshua, nakipag-apir lang ako sa kanilang dalawa.

"Sabi ko, sabay tayo maglunch" nagtatampo kong sabi.

"Sorry na, maya nalang after class?" sabi niya.

"Sige" sabi ko.

"Sunduin nalang kita sa room mo mamaya" sabi pa niya.

"Sige, mamaya ah" sabi ko.

"Opo" sabi niya.

"Sige, see you!" sabi ko at binalikan na sila Axel.

Humiwalay naman na si Aralynn saamin, balik classroom na kami ni Axel. Nagklase lang kami, hanggang sa matapos na.

Napangiti naman ako ng makita kong nasa labas na si Qiel. Binati pa niya last professor namin, nang makita niya kong nakatingin sa kanya. Nginitian naman niya ako habang kumakaway.

Nagmamadali naman akong inayos gamit ko, agad ko naman siyang nilapitan. Kakausapin ko na sana siya nang kumapit sa braso ko si jessie.

"Ayun eh, may nabuo na pagmamahalan sa contest" sabi ni Jessie. Tumakbo rin naman siya palayo saamin.

Napatingin naman ako ulit kay Qiel, nakangiti ng nakakaloko saakin.

"Huwag mong pansinin yon" sabi ko.

Tumawa lang siya.

"Saan mo gusto magmerienda?" tanong ko.

"Kahit saan, ikaw bahala" sabi niya.

Music led us to be togetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon