Alexandra Claire's POV
"Nakapagregister naba kayo sa LET ni Qiel?" tanong saakin ni Mama.
"Hindi ko pa alam Ma, pero si Qiel na daw aasikaso non. Nasa kanya naman mga papel ko" sagot ko.
Magkasama kami ngayon ni Mama sa Hardware nila ni Papa. Naghihintay ng mga bibili saamin.
"Baka kailangan kasama ka" sabi pa ni Mama.
"Mag-uusap nalang kami ni Qiel, Ma" sabi ko pa.
Limang buwan narin ako dito saamin, mga apat palang na beses ako nakakabalik kila Qiel. Hindi rin naman ako madalaw ni Qiel dito, medyo nahihirapan pa siyang mag-adjust sa trabaho niya ngayon.
Hindi rin naman siya ganon nakakapagkwento saakin. Lagi lang ang usapan namin 'kumain kanaba?','Good Morning','Goodnight' at kung free siya nakakapagkwentuhan kami ngalang bitin naman. Lagi nalang ganon, gusto ko man magtampo pero ayoko namang mag-away kami.
Bukas na anniversary namin, ang plano mag-outoftown kami. Susunduin niya daw ako dito ngayong dapat maga, pero nagkaemergency meeting daw ngayon kailangan siya.
Buti nalilibang ako dito sa probinsya, nagstart naring ako magbake. Marami namang nabili, online ako nagpapaorder. Kapag nasa trabaho pareho si Kuya Warren at Ate Gina, ako nagbabantay kay Chelsea na Kinder na. Ako din minsan nagtuturo sakanya, tinutulungan sa mga assignment niya.
Yung banda lang lagi kong kausap sa phone, laging mga online parang wala sa trabaho. Parang magkaaway pa sila Kuya Timothy at Axel. Minsan nagsagutan pa sa groupchat namin. Kami naman nila Danielle at France nag-uutuan lang. Napapailing nalang ako habang nakangiti nang maalala ko mga pinag-uusapan namin. Feeling ko may groupchat pa sila na hindi ako kasama eh, mga buset nayon.
Napatigil ako sa iniisip ko ng magring yung phone ko. Napangiti naman ako na si Qiel yung tumatawag, sinagot ko naman agad.
"Hi love" bati niya saakin na ikinangiti ko naman.
"Hi!!" masigla kong bati sa kanya.
"I miss you" malambing niyang sabi.
My heart dropped.
"I miss you too, asan kana? Kanina pakita hinihintay, akala ko hindi na tayo tuloy" tantrums ko kunwari.
Napansin ko naman maingay paligid niya.
"Where are you? Naglalakad kaba?" tanong ko.
"Uhm yes I'm walking, kamias street kayo diba??" sabi niya.
Nanlaki yung mata ko sa sinabi niya.
"Yes kamias street kami, andito ka na?!" masigla kong sabi.
"Is it okay kasama ko sila Joshua at Drake?"
"Okay lang! Omg you're here! Asan na kayo?" tanong ko.
"Medyo malayo pa" sagot niya.
"Salubungin ko na kayo, saan kayo?" tanong ko.
"Huwag na love, ok----"
Nakarinig ako ng malakas na pagsalpok.
Kumabog agad dibdib ko. Napatakbo ko papalabas ng shop , buti nakasalubong ko si Papa nasabi kong aalis na muna ko.
Tumakbo lang ako ng tumakbo, kahit hindi ko alam kung saan ako pupunta. Napahinto nalang ako ng may tumawag saakin.
Sinagot ko naman agad ng makita ko si Joshua yung tumawag.

BINABASA MO ANG
Music led us to be together
Teen FictionAlexandra Claire Coellin, a girl who loves to sing. She just entered a new university. A classmate of her introduced her to his band. She took the opportunity and she just shine in her own way. They sang together and their chemistry is above the top...