Chapter 10

65 7 2
                                    

Alexandra Claire's POV

Ehh ako ba? Hindi ba ko nasasaktan?

Paulit-ulit kong naririnig.

Pansin ko naman yun, lahat ng actions niya. Mga inisan nila ng banda, mga hirit niya. Ang hindi ko lang maintindihan pinipilit nila na maging kami.

Hindi ko na alam gagawin ko.

Napadukdok nalang ako sa study table ko. Katatapos ko lang gumawa ng activities.

"Xandie!" rinig kong katok ni Aralynn mula sa pintuan.

Pinagbuksan ko naman siya ng pintuan.

"May extra ka bang yellow pad? Bayaran ko nalang" tanong niya.

"Meron" sabi ko, hinanapan ko naman siya.

"Salamat ha, teka ayos ka lang ba?" tanong niya pagkabigay ko nung yellow pad

Tumango naman ako.

"May nangyari noh? Sabihin mo na, halata masyado sa mukha mo" sabi niya, naupo lang siya sa kama ko.

"Remember nung ininterview kami, sabi nila kami daw ni Axel. Pinagsabihin pako ni Kuya Timothy na sumunod nalang daw ako. Umoo nalang ako, baka hindi rin naman mangyari kaya hinayaan ko nalang. Nung acquaintance, Qiel told me he'll court me na hinayaan ko naman. Ilang araw din kaming magkasama ni Qiel, tas kanina bigla nalang umeksena si Axel. Pinalalayo si Qiel saakin kasi kami daw. Baka daw magalit si Kuya Timothy" kwento ko.

"Jusko" nasabi nalang niya.

"Ano gagawin ko?" tanong ko.

"Mamili ka" sabi ni Aralynn.

"Paano?" nagtataka kong tanong.

"Banda o si Qiel?" sabi pa niya.

Hindi naman ako makasagot.

"Sis piliin mo kung ano yung mas mahalaga sayo, kung ano gusto mo"

Napatulala naman ako.

"Paano si Qiel?" tanong ko.

"Pwede mo naman sabihin yung about sa agreement pero kailangan mo siyang pahintuin talaga" sabi niya.

Nanikip naman ang pakiramdam ng dibdib ko don.

"Tell Qiel your true feelings, kami nalang kakausap sa manager ng banda niyo" sabi ni Aralynn.

"Pag-isipan mong mabuti" sabi pa ni Aralynn.

Iniwan naman niya ko mag-isa sa kwarto.

Ayokong pahintuin si Qiel pero ayaw ko naman suwayin sila Kuya Timothy. Ayaw ko silang saktan pareho pero mukhang tama si Aralynn. Kailangan kong pumili ng isa.

~•••••••••••••••••••••••••••••~

"Good afternoon students" rinig ko at napatayo ako agad.

"Good afternoon ma'am" bati namin.

Napatingin ako sa gawing pintuan, nakatingin saakin si Axel na nag-iwas tingin din.

"So magkakaroon tayo reporting" balita ni ma'am saamin.

"By group, ang lesson ay yung kasunod nung lesson natin last meeting"

"And Axel you should sit beside Alexandra" bati ni Ma'am kay Axel.

"Tigatlo ang group so anim naman by line, mga seatmates niyo yung mga kagrupo niyo. First group bukas agad, ok lang naman kung walang visual aid or ppt basta maganda ang pagtuturo rito sa harap"

Music led us to be togetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon