Chapter 15

47 7 2
                                    

Qiel Augustus POV

"Ma, ano ginagawa ni Qiel dito?" tanong ni Timothy kay mama habang matalim na nakatingin saakin.

Naghahapunan na kami kasama yung kabanda ni Xandie. Nag-aya kasi si mama agad maghapunan kaya ngayon lang naopen yung topic tungkol saakin.

"Binibisita niya tayo anak, kapatid niyo siya" sagot naman ni Mama.

"Siya ba yung sumira ng pamilya natin?" sabi pa ni Timothy na ikinayukom ng kamay ko.

"Hindi naman sa ganon anak" kalmadong sabi ni Mama.

"Anong hindi mama, nagkasira-sira yung pamilya natin nung dumating yan?!" pasigaw na tayo ni Timothy habang matalim na nakatingin saakin.

"Kuya huwag dito!" inis na sabi ni Axel. Pero padabog siyang umalis sa kinauupuan niya at akmang susugudin ako kaya napatayo ako pero pinigilan siya ni Axel at hinila paalis ng dining area.

"Tita salamat po sa dinner, uuwi na po kami nila Xandie" sabi nung isa sa kabanda ni Claire.

"Sige mga anak, mag-iingat kayo" ngiti ni Mama habang nangingilid ang luha.

"Thank you po sa dinner" lapit ni Xandie kay Mama. Nang natingin siya saakin, nagtanguan lang kaming dalawa. Mga ilang minuto din tahimik ang paligid.

"Mama, mas nakakabuti po siguro kung aalis muna ko. Tsaka kahit hindi niyo na rin ako puntahan, masisira ko lang po yung samahan niyo nila Axel" sabi ko. Napatingin naman siya saakin at tuluyang naluha.

"Anak no, yung Kuya mo hindi pa niya kasi tanggap ang nangyari pero maiintindihan niya rin yon one day. Sorry sa ginawa nung Kuya mo ha, huwag mo nalang isipin yung mga nangyari" sabi niya habang patuloy parin ang pagluha.

"Ma, okay lang po. Totoo naman po yun ehh. Uwi na ko ma, para makapag-usap kayo" sabi ko habang pinupunasan yung luha ni mama. Napangiti siya at inakap ako saglit at humiwalay din.

"Mabuti pa siguro anak, sige hatid na kita palabas" sabi niya at tumayo na.

"Mag-iingat ka anak, tsaka eto calling card ko tawagan mo lang ako kapag kailangan mo ko ha" paalala ni mama.

"Sige po, kayo rin" ngiti ko.

Nilapitan niya ko at hinalikan sa pisngi tsaka niyakap.

"Love na love ka ng mama ha" ngiti niya.

"I love you ma" sabi ko at niyakap siya ng mahigpit.

"Sige na anak baka gabihin ka lalo" hiwalay ni mama sa yakap.

"Sige po" ngiti ko at sumakay na nang kotse. Kinawayan ko naman si mama bago ko bumyahe pauwi.

~•••••••••••••••••••••••••••••~

"Anak kamusta yung pagkikita niyo ng mama mo?" bungad saakin ni Mom pagkapasok niya sa kwarto ko.

"It's okay, pero medyo nasira dahil nagalit saakin yung kuya ko" kwento ko naman.

"Wala tayong magagawa dun anak, atleast nakilala mo na mama mo at sila" sabi pa ni Mom.

"Mom hindi kaya lalo sila masira kapag nakisama pa ko sa kanila?" tanong ko.

"Hindi naman sa ganon anak, makisama ka nalang sa mama mo okay na yun" ngiti ni Mama.

"Sige po" ngiti ko naman.

Music led us to be togetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon