Axel Valentine's POV
Napaupo nalang ako sa sobrang hina.
Katatapos lang namin magrides ng magrides. Andito kami ngayon sa isang kainan para maglunch.
Nagkwekwentuhan sa tabi ko sila Kuya Timothy. Umupo naman sa tapat ko si Xandie at Qiel.
Nagpipicture lang silang dalawa.
Napayuko nalang ako, umiikot paligid ko. Nanginginig na rin yung kamay ko.
"Axel, okay ka lang ba?" rinig kong tanong ni Xandie.
Napatingin naman ako sa kanya, tatango na sana ako ng maramdaman kong mahuhulog nako sa pagkakaupo ko.
"Axel!" rinig kong sigaw ni Xandie.
Hinintay kong mahulog ako sa sahig ng maramdaman kong may sumapo sa likod ko.
Si Kuya Timothy.
"Tubig guys, bumili kayo ng tubig dali" rinig kong sabi ni Xandie.
Inayos naman ako ng upo ni Kuya Timothy.
"Ano nararamdaman mo Axel?" tanong sakin ni Kuya Veron habang hinihimas yung likod ko.
"Eto na yung tubig" rinig kong sabi ni Qiel.
"Uminom ka muna ng tubig" abot saakin ni Kuya Timothy.
Uminom naman ako ng malamig na tubig. Nahimasmasan naman ako, huminto na yung hilo ko.
"Okay kana? Napano kaba?" lapit saakin ni Xandie.
Napatingin naman ako sa kanya. Napabilis pa yung tibok ng puso ko.
"Nanghihina, nahihilo at nanlalambot" sagot ko.
"Nakatulog kaba? Namumutla ka din eh" tanong ni Xandie.
"Nakatulog naman yan ng maayos, naunang natulog saakin yan" sagot ni Danielle.
"Pacheck up kana, pag-uwi niyo" sabi ni Xandie habang tinatapik ako sa balikat.
Naupo naman na silang lahat.
"Kain na tayo mga nak, dami pa nating lilibutin" sabi ni Mama na kadadating lang habang may hawak na tray ng mga pagkain.
"Oh ba't mukhang may nangyaring masama?" tanong ng Daddy ni Qiel.
"Nahilo po si Axel, pero okay naman na po siya" sabi ni Kuya Timothy.
"Ganon ba? Sigurado ka ng okay kana Axel?" tanong ni Mama.
"Yes Ma" ngiti ko kay Mama.
Napatingin naman ako kay Xandie na nakatitig sa sahig. Nag-iisip.
Binulungan siya ni Qiel, nagulat pa siya. Tumango lang siya, nagtitigan pa sila bago magsimula kumain.
Tumabi naman saakin si Mama, nilapag yung pagkain ko sa harap ko.
"Nak ano ba nangyari?" tanong ni Mama.
"Nanghina tas nanlambot at nahilo po ako kanina. Nung pinainom nila ako ng tubig, umokay naman na ako" kwento ko kay mama.
"Kaya mo pabang maglibot mamaya?" nag-aalala niyang tanong.
"Oo naman po" sagot ko.
"Sige, kumain kana. Para madagdagan yung lakas mo, aalamin natin yan pag-uwi" sabi pa ni Mama.
~•••••••••••••••••••••••••••••••••~
Naramdaman kong gumalaw sa tabi ko si Kuya, kaya napaupo nalang ako. Nagkusot-kusot muna ako ng mata bago tuluyang bumangon.
BINABASA MO ANG
Music led us to be together
Teen FictionAlexandra Claire Coellin, a girl who loves to sing. She just entered a new university. A classmate of her introduced her to his band. She took the opportunity and she just shine in her own way. They sang together and their chemistry is above the top...