Chapter 27

27 5 0
                                    

Qiel Augustus POV

"Seselos-selos kapa di ka kasi kumilos" sabi niya at umalis nalang sa harapan ko.

Napatulala naman ako sa sinabi niya. Hindi ko maintindihan yung pinararating niya.

Napatingin naman ako sa calendar ko sa phone ko, nailipat ko last year.

1 year na pala nakakalipas, simula nung unang araw ng practice namin.

1st anniversary pala ngayon, napatayo naman ako nang makaisip ako ng pakulo.

Yan nalang gagawin kong pambawi, sa sinabi niya. Agad naman akong lumabas ng kwarto ko, kinuha yung binili kong chocolate cake kanina. Napapalakpak naman ako nang maalala ko yung 1st anniversary na cake topper na bigay ni Calix saakin dahil wala daw siyang paggagamitan. Lumabas pa ako tsaka namitas ng bulaklak sa garden namin.

Inayusan ko lang ng onti yung mga bulaklak. Umakyat narin ako sa kanya. Kumatok naman ako agad, binuksan naman niya agad.

Halatang nagulat siya sa hawak ko.

"Happy 1st Anniversary!" bati ko.

Mas lalong naguluhan yung mukha niya sa sinabi ko.

"First year ng first practice natin together diba?" sabi ko naman.

Napaisip siya base sa mukha niya. Napatango-tango naman siya kaya pinapasok na niya ko sa loob. Inilagay ko naman sa lamesa niya yung cake.

"Happy 1st anniversary partner, sorry ngayon ko lang naalala. Akala ko naman kung para saan yang paganyan mo" tawa niya.

"Ayos lang, nga pala ano ibig sabihin mo kanina?" tanong ko naman.

"Alin?" nagtataka niyang tanong.

"Yung selos?" tanong ko.

"Ah yun ba? Wala yon, huwag mo nang isipin yon" tawa niya.

Magsasalita pa sana ko ng mag-aya na siyang kumain.

Nagkwentuhan lang kaming dalawa, inaalala namin yung mga panahon na andaming nangungulit samin.

"Ang hindi ko talaga makalimutan yung kalaban natin sa Provincial. Yung number 15 ata yon" tawa niya.

"Oo yung maangas na dalawa, lakas ng loob na magmayabang na wala raw tayo sa kanila. Tayo pa hinamon, wala namang makukuhang award"

"Bwisit yung mga yon, sarap patulan eh noh" tawa niya.

"Kung hindi lang university contest yon baka patulan ko yun" sabi ko pa.

"Haays stress lang sila, wag na nating isipin mga yon. Magpicture na tayo kasama yung cake, para makain na natin" sabi niya. Kinuha naman niya yung camera niyang nasa tripod.

"10 seconds toh" sabi niya tsaka naupo sa tabi ko.

Inakbay ko naman sa kanya yung isa kong braso, tsaka hinawakan naman namin parehas yung cake habang nasa isa niyang kamay yung bulaklak. Nag-ilang shots naman kaming dalawa.

Nagslice nako ng cake at kumain na kaming dalawa.

"Kamusta nga pala yung plano niyo nung Alexis?" tanong ko.

"Ayos naman na, pag-uusapan nalang lahat sa monday" sagot niya. Napatango-tango naman ako.

"Wala naman kayong ibang napag-usapan bukod sa performance?" tanong ko pa.

"Wala naman, bakit ba?" kunot noo niyang sabi.

"Baka pinopormahan ka nun ha" sabi ko naman.

Music led us to be togetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon