Chapter 62

12 2 0
                                    

Alexandra Claire's POV

"Iplay kaya natin yung Mabagal by Daniel at Moira?" tanong ni France.

Nanlaki naman yung mata ko.

"Maganda yun! Bagay na bagay kay Qiel" dagdag pa ni Kuya Veron.

Niyugyog ko naman braso ni Kuya Timothy na katabi ko lang at umiling-iling ako sa kanya.

Mukhang naintindihan naman niya pahiwatig ko.

"Ayaw niya

"Ehh bakit? Kaganda nun Xandie eh" angal ni Danielle.

"Ehh sa ayaw ko eh" sabi ko.

Hindi pwede, baka kiligin lang ako kay Qiel, mahahalata kami.

"Malakas sa views yun!" sabi pa ni Danielle.

"Pag-iisipan niya" tingin saakin ni Kuya Timothy.

Pinanlakihan lang din ako ng mata.

"Ano pang kanta?" tanong ni Kuya Veron.

"Yung trilogy ni Moira, yung patawad, paalam, at patawad,paalam ata yon" suhestyon ni France.

"Sulat mo" utos ni Kuya Timothy kay France.

Nagsulat naman siya, napatingin naman ako kay Qiel na busy sa phone.

Kinalabit ko na si Kuya Timothy at nginuso si Qiel.

"Ikaw Qiel, may suggestion kaba?" tanong ni Kuya Timothy kaya napatingin siya saamin.

Tinaasan ko naman siya ng kilay.

"Best part of me, yung kay Ed sheeran" sagot niya.

Aba

Tinuro naman ni Kuya Timothy yung board kaya tumayo siya at nagsulat. Naupo naman agad siya pagkatapos.

"Ikaw Axel?" tanong ni France sa katabi niya.

"Basta mga kanta ni Tj Monterde, kahit kunwari, Malay mo Tayo tsaka memories ba yon?" sagot niya.

"Isulat mo" abot ni Kuya Timothy ng marker kay Axel.

Nag-usap lang kaming pito about sa mga kakantahin sa mga gig at pangyoutube. Pagkatapos nagpractice narin sila kung paano itugtog yung mga kanta.

Si Kuya Timothy pinapanuod lang yung tatlo sa pagtugtog, kami ni Axel naglalaro lang sa phone ni France at Danielle. Pinapatuloy yung laro nila saamin dalawa, nakatingin lang naman saakin si Qiel. Hindi ko naman siya maano dahil makakahalata itong isa, patabi-tabi naman si Kuya Timothy sa kanya kahit papaano.

Maya-maya nag-aya naman na sila umuwi. 

"Sleepover kaming dalawa dito" sabi ni Danielle na itinuturo pa si France.

"Xandie hatid na kita pauwi?" tanong ni Axel saakin.

Nagulat ako, hindi ko alam isasagot ko. Napatingin naman ako kay Kuya Timothy na nakatabi kay Qiel. Blangko ekspresyon ni Qiel, babadtrip na toh. Tumango naman si Kuya Timothy.

"Pwede naman" sagot ko.

"Tara na" ngiti niya kaya sinundan ko naman siya.

Nilingon ko naman si Qiel ulit pero nakatalikod na.

Shit. 

Napatingin naman ako kay Kuya Timothy, 'ako bahala' pabulong niyang sabi.

Nang makarating kami sa labas, sa motor niya siya huminto. Inabot naman niya saakin yung isang helmet, isinuot ko naman agad.

Music led us to be togetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon