Timothy's POV
"Tatlong bata" tawag ko kila Axel, France at Danielle.
Sabay-sabay pa sila saakin tumingin.
"Kyahhhh bakiitt?" tili ni Danielle.
"Sige magsilibot na kayo sa labas, hanggang 11 lang kayo ah" taboy ko sa kanila.
"Yes!" malalim na boses na sigaw ni Danielle.
Nagsitayuan naman sila tas nag-unahan pa lumabas.
Mga bata talaga.
Napatingin naman ako kay Veron na busy sa pag-edit ng video ng ipopost namin sa youtube.
Pinaswitan ko naman siya, tumingin naman siya.
"Hoy bakit mo pinalabas yung mga ugok na yon?"
"May sasabihin ako sayo" seryoso kong sabi sa kanya habang papunta sa kanya.
"Ulol!" bato niya saakin ng unan.
"Gago seryoso kasi" inis kong bato sa kanya ng unan.
"Ano nakabuntis ka?"
"Ulol hindi!"
"Ehh ano?"
"Diba pinagdududahan natin si Qiel, kung bakit nagkahiwalay yung dalawa?"
"Oh tapos?"
"Nung Christmas Party nila Xandie, rinig na rinig ko sila Qiel at yung jenny na nagsusumbatan"
"Ang lakas loob daw ni Qiel na daan-daanan siya, porket masaya na daw siya. Eh siya daw nagplano nun at siya lang nakinabang" kwento ko.
Nanlaki naman mata ni Veron dahil don.
"Ano sabi ni Qiel?"
"Hindi ko na problema yun"
"HAHAHA kawawa naman yung jenny" tawa niya ng malakas.
"Gusto ko yung sagot niya ah" tawa pa ni Veron.
Tiningnan ko pa siya habang tumatawa mag-isa.
Natigil naman siya ng tawa at sumeryoso, napahampas naman siya sa lamesa.
"Pare yun na yung patunay sa hinala natin!" manghang-manghang niyang sabi.
Hayop, kaibigan ko ba toh?
"Ok na?" sabi ko.
"Oo" tawa niya.
"So sasabihin naba natin kay Axel?" tanong niya.
Napaisip naman din ako don.
"Hindi naman natin malalaban yun kasi wala tayong ebidensya" sabi pa niya.
"May tiwala naman saatin si Xandie" sabi ko.
"Meron nga, pero si Qiel yun. Nakita mo naman kung gaano kagusto si Qiel" sabi pa niya.
"Hindi naman siguro ganun kalakas yung tama niya kay Qiel"
"Pare niligawan ni Qiel si Xandie, sila ngayon. Si Axel natin pinilit lang, malamang yung pinili yung panalo don"
"Ehh parang nakapanig ka kay Qiel"
"Pare hindi mo ba nakikita na masaya na yun si Xandie kay Qiel?"
"Hindi yun at sasabihin ko kay Axel lahat" mariin kong sabi at iniwan ko siya sa loob.
Baka kung ano pa masabi ko.
BINABASA MO ANG
Music led us to be together
Teen FictionAlexandra Claire Coellin, a girl who loves to sing. She just entered a new university. A classmate of her introduced her to his band. She took the opportunity and she just shine in her own way. They sang together and their chemistry is above the top...