Chapter 38

36 2 0
                                    

Alexandra Claire's POV

"Ang sarap ng pagkain natin ah" kumento ni Leo habang hinihimas ang tiyan.

Katatapos lang namin kumain, hindi narin namin itinuloy yung pagperform ng iba dahil hindi ready.

"Saan ba kayo umorder?" tanong ni Margareth.

Napatingin naman ako kay Qiel na busy sa phone. Kinalabit naman siya ni Calix.

"Pare san mo daw ba inorder yung pagkain?" sabi ni Calix.

"Sa kinainan namin ni Grace kahapon" sagot niya habang nagphophone parin siya.

"Grace? Kala ko ba si Calix kasama mo kahapon?" tanong ko sa kanya medyo nataasan ko boses ko.

Napatingin naman siya saakin, nanlaki ang mata.

Nanikip agad yung dibdib ko kaya tumayo nako. Ayokong masira yung party dahil sa aming dalawa.

"Let's start the party!" sigaw ko gamit ang mic.

Sigawan naman ang lahat, pinatay naman na yung ilaw. Party lights na ang binuksan.

Pinuntahan ko naman yung mga waiter para sabihan na linisin na yung mga lamesa.

Okay lang naman sakin kumain siya sa labas ng may ibang kasama, dahil may tiwala ako sa kanya. Ang pinaka-ayoko lang yung sinungaling, nagpaalam siya kagabi na kasama niya si Calix pero iba naman pala kasama niya.

Pagkatapos kong kausapin yung mga waiter, dumiretso ako ng cr.

Napatingin ako sa salamin, naluluha nako.

Tumingala ako at pumikit para lang hindi ako maiyak.

Napadilat nalang ako dahil narinig kong bumukas yung pintuan. Sila Sarah, Tiara, Fiona at Mary-Anne.

"Hey Alexandra, are you okay?" bati saakin ni Mary-Anne.

Tumango naman ako at ningitian sila.

Humarap naman ako sa malaking salamin.

Inayos ko yung gown ko, maroon na v-neck fit and flare ang style na may slide slit.

"Nice dress huh" bati sakin ni Tiara.

"Thank youu, kayo rin. Enjoy the night, labas na nako" ngiti ko.

Pagkalabas ko si Cassie agad nakasalubong ko.

"Tara sa harap dali" hila niya bigla saakin.

"Bakit?" tanong ko.

"Paparty na tayo duhh?" sabi niya.

Nahila naman niya ko sa harap, nagtaka naman ako dahil may nakaset na banda sa stage.

Nagsi-akyat naman sa stage sila Leo, Calix, Andre at Rocky. Nagkanya-kanya silang pwesto sa mga instrumento sa stage.

"Ano gagawin nila don?" tanong ko kay Cassie.

Huminto naman yung party music kaya napahinto yung iba sa pagsasayaw.

"Ano ba nangyayari?" tanong ko kay Margareth.

Nagkibit-balikat lang sila saakin.

"Let's start the slow dance guys, while I serenade my Queen" rinig kong sabi ni Qiel habang papalapit saakin habang may hawak na bouquet ng flowers.

Nagsigawan naman ang lahat.

"For you" bigay niya saakin ng bouquet ng flowers na inabot ko naman.

Music led us to be togetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon