Chapter 65

11 2 0
                                    

Alexandra Claire's POV

Napasalampak nalang ako sa sahig ng kwarto ko. Hindi ko na siya naabutan sa labas. Kaya napilitan akong umuwi dito, baka sa kaling dito siya pumunta. Pero wala din, ako lang ang andito.

Tumulo lang ng tumulo luha sa pisngi ko.

This is my fault, I should have say no.

If I wouldn't just let Kuya Timothy control my actions, this wouldn't happen.

Now, I really did hurt him a lot.

Inis na inis parin ako kay Kuya Timothy.

How could he say that?

I thought he cared , pero sa mga sinabi niya kanina nagkamali ako.

Naisipan ko nalang na tawagan si Mom.

"Yes sweety?" bungad ni Mom.

"Andyan po ba si Qiel sa inyo?" Tanong ko.

"No anak, I'll tell him. May problema ba?"

"No, Mom. Thank you po" sabi ako at pinatay agad ang tawag.

Naisipan ko nalang na itext siya.

Alexandra Claire
Love, where are you? I'm here at my apartment. Please, can we talk about this. I'm so sorry, I love you

Send ko at pinunasan ang pisngi ko na basang-basa dahil sa luha ko.

Nanlaki naman ang mata ko nang makita ko email ng pinag-auditionan namin.

THE PERFORMERS PHILIPPINES

Congratulations! Your group passed the audition! For now, wait for the upcoming announcement about the next level instruction. But get ready to the upcoming meeting of the leaders. We will contact you right away. Thank you.

Iniscreenshot ko agad at binuksan yung group chat ng Phil. Bomb. Napasapo naman ako ng ulo ko nang makita ko na nagleave si Liza sa group. Umalis naman ako agad sa group chat namin. Binuksan ko naman agad yung message ni Liza.

Liza
Xandie, I quit. Sorry kung biglaan pero kailangan kong magback up. I can't stay anymore, I hope you understand. Babalik narin ako ng America, goodluck sainyo! Kayang-kaya niyo yan, you'll win for sure.

Last week si Julie, ngayon naman siya.

Tumulo na naman ang mga luha ko.

Tangina.

Alexandra Claire
Liza, can we talk about this? Please call me right away, if you read this. We need you in the group!

Reply ko sa kanya.

Sinend ko naman yung screenshot sa kanya at sinend ko rin sa group chat namin. Nagsched ako agad ng meeting bukas.

Napabuntong hininga nalang ako.

Humiga nalang ako sa kama at tumitig sa kisame.

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ko.

Nagising ako sa tawag ni Cassie. Inabot ko lang yung phone ko sa side table ko at sinagot yung tawag.

Music led us to be togetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon