Chapter 61

20 2 0
                                    

Axel Valentine's POV

"Aalis muna kami ni Kuya Timothy mo anak, samahan niya lang ako maggrocery. Pupunta naman dito Kuya Qiel mo, hintayin mo nalang" sabi ni Mama sakin.

"Huwag mo na papuntahin dito yun ma, kaya ko na sarili ko" sabi ko.

"Hindi pwede anak, pagbigyan mo naman ako na magkaayos na kayo" sabi ni Mama.

"Oo nalang" sabi ko nalang.

Hinimas niya lang yung likod ko bago umalis na sila ni Kuya Timothy.

Bakit ba kasi pupunta pa dito yon, ang tanda tanda ko na kailangan pako bantayan.

Naglaro nalang ako ng Nintendo switch ko. Andito lang ako sa salas ng bahay, habang nakabukas yung tv naglalaro lang ako.

Maya-maya narinig ko ng may pumarada na kotse sa labas.

Kaya naman niya sigurado pumasok mag-isa.

Pinagpatuloy ko lang yung paglalaro ko, pumasok din naman siya.

Tiningnan ko lang siya saglit tsaka ko naglaro ulit.

Tumabi naman siya saakin, nagphone lang naman siya.

Sampung minuto na nakalipas nung humarap siya sakin.

"Axel, can we talk?" tanong niya.

Tiningnan ko naman siya.

"Nag-uusap na tayo, bakit ba?" sagot ko.

"I just wanna say sorry for everything. Lahat ng mga away natin. Gusto ko rin sana na magkaayos na tayo. For us and for our family too" seryoso niyang sabi.

Nagulat naman ako sa mga sinabi niya.

Seryoso ba to?

Tiningnan ko lang siya, nagkibit balikat lang ako. Bumalik lang ako sa paglalaro ko ulit.

Ilang minuto lang siya tahimik, nang bigla niyang patayin yung tv.

Napahinto naman ako sa paglalaro ko at hinarap siya.

"Wala ka man lang sasabihin? Sabihin mo lahat ng galit mo sakin, after that let's talk about it. Bro I want to hear your side too, ayokong ganito tayo habang buhay" seryoso niyang sabi.

Tiningnan ko lang siya.

"I'm sorry about what happened to you and Claire. Inaamin ko na, na kasabwat ako ni Jenny para lang paghiwalayin kayo. Para mapunta lang siya sakin, alam kong mali yung ginawa ko. Pagsisisihan ko yon for the rest of my life, ang dami kong nasira at nasaktan. I'm really sorry Axel, i wish i can turn back time to do the right thing. Naalala ko, one of the reason why I did it too, dahil nalaman kong pinilit lang kayo ni Kuya Timothy  dahil diyan Claire left me at bilang ganti narin sakin ni Kuya Timothy dahil sinira ko pamilya niyo. Which is a childish thing to do, pinagsisisihan ko parin yon Axel, believe me" madamdamin niyang sabi.

Mas lalo lang ako nainis sa mga sinabi niya.

"Alam mo kung ano gusto kong sabihin? Fuck you! Hinding-hindi kita mapapatawad!" galit na galit kong sigaw sa kanya. Padabog naman ako umalis sa harap niya, umakyat na ako ng kwarto ko at nagkulong.

Qiel Augustus POV

Nakatulala lang ako sa sahig nung biglang pumasok na sa bahay si Mama. Sumunod naman si Kuya Timothy na maraming dala. Nilapitan ko naman sila at tinulungan sa dala nila.

Kuya Timothy gave me the look, umiling lang ako.

"Nagkulong na sa kwarto?" tanong niya.

Tumango lang ako.

Music led us to be togetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon