Alexandra Claire's POV
"Axel, I need to go home" sabi ko habang tinatanggal yung kamay niya na nakahawak sa kamay ko ng mahigpit.
Dahil maaga ang tapos ng klase at walang pasok bukas napagdesisyunan kong umuwi sa mga magulang ko, nasa kotse ni Axel ako ngayon. Magmamaneho na sana ko ngalang nag-iinarte tong boyfriend ko.
"Mamimiss kitaaaa" umaarteng umiiyak pa niyang sabi.
"Mamimiss din kita, ilang araw lang naman ako dun kaya huwag kang mag-inarte baka batukan kita!" inis kong saad.
"Lagi mo kong itetext ha" sabi niya pa.
"Opo, magbehave ka ha" sabi ko at hinalikan siya sa pisngi at sinarado na yung bintana ko sa gilid.
Kinawayan ko lang siya at yung tatlo bago ko magmaneho papuntang probinsya.
Nagpatugtog lang ako buong byahe, mga tatlong oras din ako bumyahe bago ko makarating sa bahay.
"Sa wakas umuwi rin!" bungad saakin ng kapatid kong bunso na si Fiona.
"Pasalubong ko?" tanong ni Kuya Warren mula sa likod ko na mukhang kauuwi lang galing trabaho.
"Eto buhat ko kaya tara na sa loob" aya ko sa kanila.
"Hi Chelsea!" bati ko sa pamangkin ko na baby habang kandong ni Ate Gina na asawa ni Kuya Warren.
"Dito ba kayo nakatira ngayon sa bahay kuya?" tanong ko.
"Andito lang kami dahil nga sa pasalubong mo" tawa ni Kuya.
"Haay nako, ikaw Fiona musta grades mo? Senior high ka na pagbutihin mo" sabi ko habang kaharap si Fiona na nilalaro si Chelsea.
"Ako pa ate, lagi naman mataas yun" sabi ni Fiona.
"Siguraduhin mo lang ha" sabi ko pa.
"Ma! Pa!" sinalubong ko naman ng yakap sila Mama at Papa na kakapasok lang galing garden namin.
"Naks naman, daming uwing pasalubong" kalutkot ni Mama sa mga bag na uwi ko.
"Anak kamusta naman grades mo?" tanong saakin ni Papa.
"Ayy oo nga pala" sabi ko at kinalutkot yung report card ko sa bag ko tsaka ibinigay sa kanila.
"Napanuod namin sa tv na sumisikat yung banda na sinasalihan mo" sabi ni Mama habang naupo sa tabi ko.
"Tas boyfriend mo daw yung kavocalist mo" sabi ni Papa habang pinanliliitan ako ng mata.
Nagulat ako sa mga sinabi nila kaya hindi ako makapagsalita at napayuko nalang.
"Hehe pero ma eto pala yung sobra sa hati ko sa mga binabayad saamin sa pagkanta namin" iwas ko sa topic tsaka bigay ko sa kanila ng isang envelope na naglalaman ng pera.
"Ang laki neto anak, baka eto yung buo?" sabi ni Papa.
"Hindi pa, bale kalahati yan. Malaki talaga binabayad saamin ngayon" sabi ko pa. Napangiti nalang ako dahil nawala yung topic sa boyfriend.
"Pandagdag niyo sa mga gastusin dito sa bahay" dugtong ko pa.
"Salamat anak, imaintain mo lang yung maganda mong grades ha" sabi pa ni Papa.
"Opo" sagot ko naman.
"O sige, kainin na natin tong uwi mong hapunan" sabi pa ni Papa.
BINABASA MO ANG
Music led us to be together
Teen FictionAlexandra Claire Coellin, a girl who loves to sing. She just entered a new university. A classmate of her introduced her to his band. She took the opportunity and she just shine in her own way. They sang together and their chemistry is above the top...