Chapter 44

25 2 0
                                    

Alexandra Claire's POV

"Tahimik lang ako sa room, baka mapansin ako ng professor o mga kaklase ko gawin akong leader shits" kwento ko kay Qiel.

Kumakain kami ngayon sa isang restaurant. Magkatabi kaming dalawa sa isang sofa kahit na may upuan pa sa harap namin.

"Tahimik lang din ako, pano ang sasama ng tingin saakin nung kasama ko sa office" kwento niya.

"Gusto ko na nga magturo eh" dagdag pa niya.

"Sa private ka muna kaya" suhestiyon ko.

"Pwede din" sagot niya habang nag-iisip.

Kinalkal niya agad yung bag niya, tsaka kinuha yung journal niya. Tsaka siya nagsulat.

"Ano yan?" tanong ko.

"Wala" ngiti-ngiti niya.

"Kala ko b--"

"Sasabihin ko rin sayo promise" sabi niya.

"Ano ba meron?" tanong ko.

Sumimangot naman siya.

"Ano nga meron?" ulit ko.

"Hindi mo alam?" tanong niya.

"Ang alin ba?" nagtataka kong tanong.

Nako mukhang alam ko na minumuryot nito.

"Ewan ko sayo" maarte niyang sabi.

"Kalalaki mong tao gumaganyan ka" tawa ko.

"Che!" gaya niya sa boses ko.

"Kaarte mo naman" palo ko sa kanya.

Dumusog naman siya palayo saakin. Dumukdok naman siya sa lamesa.

Tinawanan ko lang siya.

"Hoy may gig ako mamaya" sabi ko sa kanya.

Tumingin naman siya saakin.

"Kaaga naman" sabi niya.

"Tanong mo sa manager kung bakit, gulat nga rin ako" sabi ko.

"Pwede bang absent ka muna?"

"Kung pwede" sagot ko.

"Lalabas pa naman tayo ngayon with your family" sabi niya.

"Magpapaalam nalang ako" sabi ko.

Tumango-tango naman siya tsaka lumapit saakin.

"Nakahanap ka naba ng mga apartment dito?" tanong niya.

"Meron na, andito sa phone ko. Tatlo lang, pero may bet nakong isa" sabi ko.

"Pwede ka naman kasi sa bahay, gustong-gusto pa ni Mom at Dad. At okay lang din sa magulang mo"

"Augustus nakakahiya kaya sa inyo lalo na sa magulang mo"

"Claire, okay lang naman. Pagnandoon ka mababantayan pa kita, tsaka alam nang magulang mo na safe ka diba?"

"Kahit na nakakahiya parin" sabi ko.

"Kakulit" kurot niya sa pisngi ko.

"Basta ayoko" iling ko.

"Pipilitin ka parin namin, lalo na mamaya" sabi niya.

"Si Augustus naman" angil ko.

Music led us to be togetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon