Alexandra Claire's POV
"Bro hindi ako pwede ngayon hanggang sa monday" rinig kong sabi ni Qiel sa kausap niya sa phone niya.
Magkasama kami ngayon sa paborito kong Cafe, date daw namin.
Masaya ako at nakapagpahinga din ako, almost 7 months din. Napatingin nalang ako sa mukha ni Qiel.
Gwapo parin, walang kupas.
Halatang naiinis na siya base sa ekspresyon ng mukha niya.
"Bro sige bye na" paalam niya.
"Ano na sinasabi mo love?" tanong niya.
"Sino yon? At bakit?" tanong ko.
"Si Joshua, inaaya akong maglaro daw kami kasama si Drake" sagot niya.
"Okay, sinasabi ko ano. Yung mga reviewer kung saan kukunin" sabi ko naman.
"May magpapahiram saatin, hinihintay lang daw ng co-teacher ko ibigay sa kanya" sabi niya.
"Okay" sabi ko nalang.
"May kwen--" bago ko pa matapos sasabihin ko.
"Love wait lang, may something sa work" sabi niya kaya napatahimik nalang ako.
Iintindihin ko nalang. Kalma self.
Naging busy lang siya sa pagtatype sa phone niya.
"Bakit tayo love, wala pa tayong schedule sa exam?" tanong ko.
"Baka prinaprocess pa, alam mo naman sa dami ng gustong magLET hindi rin agad mapraprocess yun" sagot niya.
Humarap naman na siya saakin, buti naman.
"Sorry at hanggang ngayon sa work parin atensyon ko, promise simula ngayon stop nako" hawak niya sa kamay ko.
Ningitian ko nalang siya.
Kumain lang kami, nagsimula narin kami ulit magcatch-up sa mga hindi pa namin napagkwekwentuhan together.
Nang dumilim na, napagkasunduan na naming umuwi na. Lumabas naman kami agad, sumakay ng kotse.
Paalis na kami sa cafe nayon, nang makita kong dumaan si Aralynn malapit sa kotse namin. Sinundan ko lang siya ng tingin pero umiwas narin ako.
Napatigil naman kami sa pagbyahe dahil traffic, isang kanto palang layo namin sa cafe na pinanggalingan namin.
Nakita ko naman na kotse ni Axel na papuntang cafe na pinanggalingan namin. Kinutuban naman na ako agad, naalala ko yung kwinento saakin ni Kuya Timothy.
Sa kasalukuyan kong pagkaalala kila Kuya Timothy, dumaan naman yung van ng banda namin.
"Sila Kuya Timothy oh" bati ni Qiel.
Sinundan ko lang ng tingin, malamang sinudan non si Axel.
Seryoso talaga si Kuya Timothy na malaman sa kung ano meron sa dalawa nayon.
Ako nung una I'm super surprised kasi biruin mo, yung dalawa nayon malalaman kong nagsasama silang dalawa lang.
Hindi ko kayang isipin na, may namamagitan sa kanila. Hindi naman sa tutol ako, hindi ko lang talaga maintindihan na may ganon kung sakali lang naman na may ganon.
Nakakaloka.
"Ang lalim ata ng iniisip mo, ishare mo naman" bati saakin ni Qiel.
"Alam mo ba na nakita nila Danielle at France na magkasama sila Aralynn at Axel na silang dalawa lang?" tanong ko.
BINABASA MO ANG
Music led us to be together
Novela JuvenilAlexandra Claire Coellin, a girl who loves to sing. She just entered a new university. A classmate of her introduced her to his band. She took the opportunity and she just shine in her own way. They sang together and their chemistry is above the top...