Alexandra Claire's POV
"Eh ma, may napag-usapan na kami jan ni Qiel" sabi ko kay mama na katabi ko habang pinanunuod na turuan ni Qiel na magvideogames si Chelsea sa tv.
Andito lang kami ngayon sa bahay, pahinga narin sa pagod sa performance. Bukas pa kami lilibot dito sa America.
"Ano naman yung napag-usapan niyo?"
"Napag-usapan namin na tapusin ko na yung second sem ko ngayong 4th year ko. Para graduate nako sa pilipinas, habang siya kukuha ng LET tsaka baka daw magturo muna sa private. After niyan tsaka kami babalik dito, kasi halos lahat din naman saamin magtatapos palang ng pag-aaral"
Napatango-tango nalang si Mama habang sinasabi ko sa kanya.
"Nasabi naman namin yan sa head, bilib na bilib nga ma yung mga head samin. Pumayag naman sila don" dugtong ko pa.
"Iba kasi talaga pag-aaral dito" sabi naman ni Mama.
"Ma, Xandie magmeryenda muna kayo. Eto sandwiches noh" sabi ni Ate Gina habang nilalapag yung mga sandwiches sa lamesa.
"Iba siya kay Axel ha" sabi ni mama na ikinatingin ko sa kanya.
Tumayo naman si Mama tsaka kumuha ng sandwich. Napatingin naman siya saakin.
"Oh ano tinitingin mo?" biro ni Mama.
Ngumiwi naman ako.
"Tama yang napag-usapan niyo, plus points na. Pasok na siya, lalo na sa papa mo" sabi ni Mama habang naglalakad papunta saakin.
"Pero mas bet ko parin si Alexis" sabi niya sabay talikod at tumabi kila Papa na nakikikalikot narin sa Video games sa tv.
Kagaling talaga ni Mama na iwan akong walang masabi sa kanya.
Halata namang magkasundo na sila ni Papa, nung gabi lang nung performance.
Napatingin naman saakin si Qiel, tsaka ngumiti ng abot tenga. Napangiti naman din ako, napakacute.
"Sige na puntahan mo na si Xandie" tawa ni Kuya kay Qiel.
Lumapit naman na si Qiel saakin, tumabi sa kinauupan ko. Hinawakan yung kamay ko.
"Ano feeling ng may alagang bata?" tawa ko.
"Alam mo dapat nasa pamilya mo ikaw eh, sumama kana sana sakanila na mamili" dugtong ko pa.
"Ano feeling ng may alagang bata? Masaya syempre" ngiti niya.
"Tsaka mas gusto ko rito, sayo" ngiti niya saakin habang mas lalong hinigpitan hawak sa kamay ko.
"Ikaw talaga" gigil kong sabi tsaka kinurot yung pisngi niya.
"Pero dapat sila parin kasama mo noh" batok ko sa kanya.
"Anong oras nga pala tayo balik ng studio para kunin yung money tsaka narin yung contract?" tanong niya.
"Oo nga pala, tara na magbihis kana. Magbibihis narin ako" sabi ko. Tumayo na ko at hinila na siya papuntang taas.
Habang naglalagay ako ng light make-up sa mukha ko. Narinig kong kumakatok si Qiel, pinapasok ko naman siya.
"Claire, maganda kana kaya wag kana maglagay ng ganyan" sabi niya habang nasa likod ko na nakaupo sa kama ko.
"I know, kaya ako naglalagay para mas lalong ako gumanda" tawa ko.
"Oo nalang" straight face niyang sabi.
BINABASA MO ANG
Music led us to be together
Teen FictionAlexandra Claire Coellin, a girl who loves to sing. She just entered a new university. A classmate of her introduced her to his band. She took the opportunity and she just shine in her own way. They sang together and their chemistry is above the top...