Alexandra Claire's POV
Napatingin naman siya saakin.
"Sige, ano ba yon?" ngiti niya.
"Bakit kayo magkasama ni Jenny nung araw nayon? Kung okay lang naman sayo" tanong ko.
"Yun ba? Teka lang iisipin ko" natatawa niyang sabi.
"Malaking kalaban nila Mama yung magulang ni Jenny sa kompanya namin. Kulang nalang isara kami nun. Etong si Jenny, ang sabi saakin. Kung hindi daw ako sasama sa kanya nung araw nayon. Sisirain daw niya kompanya ni Mama. Sobrang hirap na hirap sila Mama non kaya umoo nalang ako kesa makasira. Kaya sumama ko, hindi ko naman alam na ganon ang gagawin niya. Ang mali ko eh, hindi ko sinabi sayo non" kwento niya.
Napatango-tango naman ako.
"May nalaman kasi ako" sabi ko.
"Ano ang nalaman mo?" tanong niya.
"First of all, gusto ko muna magsorry sayo. Sorry kasi hindi kita pinagbigyan mag-explain muna. Kung shinut down kita agad noon" sabi ko.
Napakunot naman ang noo niya.
"Anong ibig mong sabihin?" tanong niya.
"Ganito kasi yun, nung nasa ospital kapa. Narinig ko si Jenny na kausap si Kuya Timothy. Galit na galit si Jenny kay Qiel. Dahil daw si Qiel lang yung nakinabang sa plano nilang dalawa. Plano nila na kunin ako ni Qiel at kunin ka ni Jenny. Planado lang nila Jenny at Qiel yung araw nayon" kwento ko.
Nag-iba timpla ng mukha niya sa narinig niya saakin. Natakot ako sa ekspresyon niya. Nagulat ako ng bigla siyang tumayo. Naglakad siya papunta sa pinto, kaya nataranta kong sundan siya.
"Axel saan ka pupunta?!" tawag ko sa kanya.
"Umuwi ka nalang, ako na bahala kay Qiel" matigas niyang sabi habang inilalabas yung motor ni Kuya Timothy.
"Axel huwag mo nang gawin yan, hindi ka pwede sumakay dyan" hawak ko sa braso niya. Hinihila ko siya palayo sa motor.
"Pwede ba?!" waglit niya sa pagkakahawak ko sa kanya.
Sa takot ko, naphakbang ako palayo sa kanya.
"Niloko na nga tayo ng tao, hahayaan mo pan-" napahinto siya.
"Sorry sorry, nasaktan ba kita?" biglang pag-aalala niya.
Napatitig nalang ako sa kanya.
Umiling lang ako.
Nakita ko namang dumating yung van ng banda namin. Nakita kong nagmamadali na bumaba at pumunta saamin si Kuya Timothy.
"Anong nangyayari?" tanong ni Kuya Timothy agad.
"Okay lang kami Kuya, ipasok niyo nalang siya sa loob" sabi ko.
Pumasok naman kami sa loob, pare-parehas lang kaming tahimik na naupo sa salas.
Nakatingin lang saakin si Kuya Timothy.
Tumayo naman ako, kinuha sa lamesa yung box ng cookies at isinukbit ang bag ko.
"Alis nako Kuya Timothy, maggagabi na rin" paalam ko.
"Tara hatid na kita sa inyo, dito ka nalang muna Axel" sabi ni Kuya Timothy.
Tumango lang si Axel, ningitian ko nalang siya.
Sabay naman kami lumabas, sumunod nalang ako sa kanya sa loob ng van.
BINABASA MO ANG
Music led us to be together
Novela JuvenilAlexandra Claire Coellin, a girl who loves to sing. She just entered a new university. A classmate of her introduced her to his band. She took the opportunity and she just shine in her own way. They sang together and their chemistry is above the top...