Alexandra Claire's POV
"Axel huwag ka ngang maingay" pabulong na sabi Qiel kay Axel.
Pareho silang lasing ngayon, tulog na si Kuya Timothy sa kinauupuan niya. Natatawa nalang ako sa ginagawa nila Qiel at Axel.
Biruin mo magkakasundo tong dalawa.
"Xandie dali picturan mo kami!" pabulong na sigaw ni Axel.
Sinunod ko nalang mga kautuan nila, pigil tawa nalang ako. Nagpose lang sila ng punong-puno ng kautuan sa pagtulog ni Kuya Timothy.
"Patingin, patingin" lapit saakin ni Qiel.
Tiningnan naman nilang dalawa yung mga picture sa phone ko. Natawa nalang silang dalawa at nag-apir pa.
Hindi talaga ko makapaniwalang magkasundo tong dalawa na toh.
"Good job, good job" apir sakin si Qiel.
Napapailing nalang ako, buti talaga hindi ako uminom ng marami. Uminom pa silang dalawa ng tig-isang bote ng beer.
Andito kami ngayon sa bahay nila Axel at Kuya Timothy. Celebration sa pagbukas ni Kuya Timothy ng restobar.
Dito nalang daw namin ituloy yung celebration para daw hindi na kami mahirapan umuwi. Tama naman siya, buti talaga dito sila nag-inuman.
Napatingin nalang ako kay Kuya Veron na tulog na sa isang sulok. Sila France at Danielle, unang sumuko kaya natutulog na sa taas.
Sobrang enjoy kanina, saya nitong magkakapatid. Nakakaproud, ngayon ko lang silang nakitang hindi nagtitinginan ng masama sa isa't-isa.
Hindi na dapat siguro kong makonsensya dahil maayos na sila ngayon. Pero sana magtuloy-tuloy, feeling ko talaga kasalanan ko. Nakakaguilty jusko.
"Tama na inom hoy" bawal ko sa kanila.
Bago pa sila makareklamo kinuha ko na yung iniinom nila.
"Napakakj" sabi ni Qiel.
"Oo nga" sabat ni Axel sa tabi niya.
"Matulog ka na Axel" sabi ko.
"Tara na Qiel" hila ko kay Qiel.
Pinatulog ko naman na si Qiel sa kwarto ni Kuya Timothy.
Bagsak naman siya agad.
Bumaba ako ulit para tingnan pa yung mga nasa baba. Natulog narin si Axel sa sofa sa salas nila. Hinanap ko lang yung bag ko.
Nag-iwan ako ng letter sa dining table para sa kanilang lahat. Kailangan kong umuwi ng apartment ko.
~••••••••••••••••••••••••••••••••~
Papunta nako ngayon sa University ko para kunin yung kailangan sa graduation.
Natatawa nalang ako habang iniisip kung ano gagawin nila pagkagising nila.
9am na, panigurado magsisigising palang yung mga yon.
Pagkakuha ko ng kailangan sa school, dumiretso naman na ako sa kukuhanan ko ng filipiniana ko. Nang mapick-up ko na lahat. Nagdrive-thru naman ako para bilan sila ng breakfast.
Pagkarating ko sa bahay nila Kuya Timothy. Gulat ako ng makita kong malinis na yung sala at kusina. Dahil walang tao sa baba, tumaas naman ako. Pagpasok ko sa music room, tulog sila Danielle at France. Pumunta naman ako sa kwarto ni Kuya Timothy, tulog sa sofa si Qiel at sa kama naman si Axel. Gaya ng inaasahan ko sa kwarto ni Axel, magkatabing natutulog si Kuya Veron at Kuya Timothy na magkayakap pa. Napatawa nalang ako ng malakas, pero wala lang.
BINABASA MO ANG
Music led us to be together
Dla nastolatkówAlexandra Claire Coellin, a girl who loves to sing. She just entered a new university. A classmate of her introduced her to his band. She took the opportunity and she just shine in her own way. They sang together and their chemistry is above the top...