Qiel Augustus POV
"Asan na kayo anak?" bungad saakin ni Mama pagkasagot ko ng tawag niya.
Birthday ni Mama ngayon, inimbitahan kami nila mom and dad ni mama sa bahay nila para magcelebrate.
"On the way na po" sagot ko.
"Sige, anak. Mag-ingat ka ha"
"Yes, ma" sagot ko at pinatay na niya yung tawag.
Ibinulsa ko yung phone ko, tsaka napatingin sa side mirror sa gilid ko. Van ng banda nila Claire, magkasunuran lang kami.
Naalala ko yung babaeng kumausap kahapon saakin, mukha naman siyang seryoso sa mga sinasabi niya. Pero tama nga ba yung gagawin namin?
Nawala ako sa mga iniisip ko ng makita kong nagovertake saakin yung van ng banda nila Claire. Lumiko sila sa kanan kaya sinundan ko na, huminto naman sila sa isang gilid na malapit sa bahay nila mama. Nagpark na rin ako.
Pagkababa namin nila Mom at Dad sa kotse, nakita kong papasok na sila Claire sa bahay. Agad naman na din kami sumunod.
"Happy birthday Ma!" salubong ko kay Mama pagkapasok namin saloob.
"Thank you anak" sabi niya pagkaabot ko sa kanya ng regalo ko at niyakap ako.
"Salamat at nakapunta kayo" salubong naman ni Mama kala Mom at Dad.
"Nako para rin kay Qiel" ngiti naman ni Mom.
"Tara na sa garden namin at nandun ang handaan" aya saamin ni Mama tsaka nagpunta kami ng likod ng bahay nila.
Pagkapasok namin dun, agad naman saaming bumungad sila Claire na nagkakantahan sa videoke.
Nagkatinginan naman kami ni Axel, tinanguan niya ako kaya tinanguan ko rin siya.
"Dito na kayo maupo, pwede na rin kayong kumuha ng pagkain. Onti nalang naman yung hinihintay" ngiti ni Mama kaya naupo na kami nila Mom at Dad.
"Baka gusto mo anak makisama sa kanila, andun si Alexandra oh" turo ni Papa kala Xandie na magkakasama sa isang table.
Umiling lang ako at nagcellphone para maglibang. Naririnig ko lang silang nagtatawanan kasama si Mama. Maya-maya lang nag-aya na si Mom at Dad na kumuha na kami ng makakain.
"Kumuha lang kayo ng kumuha ha, may tao sa labas baka yun na yung mga kumare ko" sabi ni Mama at pumasok sa loob ng bahay.
Pagkakuha namin ng pagkain, naupo naman kami agad sa table namin. At napatingin ako sa kararating lang na bisita ni Mama.
May tatlong babae na kasing edad ni Mama, nagulat ako sa kausap ni Mama papasok. Siya yung babaeng lumapit saakin na ex ni Axel.
Agad naman akong napatingin kay Axel na nakatingin din dun sa babae pero walang ekspresyon sa mukha niya at agad namang lumingon agad sa mga kasama niya.
Napangisi nalang ako.
Timothy's POV
"Wait lang mga pre! Kukunin ko na yung pinakahihintay niyo!" natatawa kong sigaw habang lumalayo kala axel para kumuha ng alak.
"Timothy hinay-hinay lang sa alak ha, si xandie andyan pa" salubong saakin ni mama papasok ng kusina.
"Yes po, happy birthday mama i love you..." yakap ko na ikinatawa ni mama tsaka humiwalay sa yakap.
"Huwag masyadong magpapagabi ha, goodnight" ngiti ni mama bago ako iwan para umakyat sa kwarto niya para matulog.
Kumuha ako ng alak sa ref namin, babalik na sana ko sa kinaroroonan nila axel ng may marinig akong nag uusap. Sa pagkacurious ko, nakita kong nag-uusap si Jenny at si Qiel sa harap ng pintuan. Agad din naman akong nagtago at pinakinggan yung pinag-uusapan nila.
BINABASA MO ANG
Music led us to be together
Novela JuvenilAlexandra Claire Coellin, a girl who loves to sing. She just entered a new university. A classmate of her introduced her to his band. She took the opportunity and she just shine in her own way. They sang together and their chemistry is above the top...