Axel Valentine's POV
"Ingat! Mamaya nalang ulit sa bahay!" sigaw ni Xandie kay Qiel na kaalis lang.
Hindi ako makapaniwalang, kapatid ko siya kay mama. Lumaki akong hindi ko kilala si papa, ang sabi lang nila saakin nag-abroad lang si papa pero habang lumalaki ako. Naiintindihan kong hindi na babalik si papa, may picture niya ko dati pero itinago na nila mama. Lumaki akong walang kaalam-alam sa papa ko, hindi ko na rin piniling itanong kala mama dahil kapag magtatanong ako iniiwasan lang nila.
Napatingin naman ako kay Xandie ng mapansin kong tinatawag niya atensyon ko.
Sinamahan ko si Xandie na pumunta sa contest ng kagrupo niya, nanuod lang kami saglit. Nagkayayaan din maglunch dahil nanalo din sila.
Ngayon kami nalang natira dalawa dito sa restaurant.
"Good terms naman kayo ng mama mo?" tanong niya.
"Okay naman kami ni mama, naiexplain naman na niya saakin kung ano yung nangyari" kwento ko.
"Okay lang ba na ikwento mo saakin?" tanong niya.
"Yung tatay kasi ni Qiel sobrang obsess kay mama, nung nakipagparty si mama ayon may nangyari sa kanila. Hindi ni mama ipinaalam kay papa kasi tiyak na magagalit daw, ehh sa hindi daw inaasahang pagkakataon nabuntis si mama nung tatay ni Qiel" kwento ko.
"Pano nalaman ng papa mo na hindi niya anak yun?" tanong niya.
"Nung naipanganak na si Qiel, nagbilang daw si papa ng months nun. Ehh nung panahon na yun nasa business trip si papa, tinanong niya si mama kaya napaamin ang mama na sa ibang lalaki yon" sagot ko.
"Dun nagalit ang papa kay mama, kaya pinalayas ni papa ang mama sa bahay nun. Pumunta daw naman si mama sa papa ni Qiel, nagstay daw si mama ng halos limang buwan dun. Pero nakipagbalikan daw si papa kay mama nun kaya iniwan ni mama si Qiel sa papa nito na nagpakamatay kasi iniwan siya ni mama. Iuuwi na sana ni mama si Qiel nun pero ayaw ni papa at inampon naman na nung tito at tita ni Qiel siya. Ilang months lang ang nagtagal nung magkaayos sila na dumating ako pero nangbabae ang papa at iniwan kami" kwento ko pa.
"Kaya pala galit na galit yung kuya mo kay Qiel dahil natrauma. But are you okay sa mga nalaman mo?" tanong pa niya.
"Ayos naman, hindi ko naman na hahanapin ang papa dahil siya ang nang-iwan. At hindi naman din ako magagalit kay Qiel, dahil wala naman kasi siyang kasalanan. Tatanggapin ko nalang lahat yun para kay mama" sagot ko.
Napangiti naman siya, tumayo siya sa kinauupuan niya at niyakap ako.
Alexandra Claire's POV
"Magbibihis lang ako" sabi ko kila Axel bago ko pumasok ng kwarto ko.
Kauuwi lang namin galing kila mama, sumaglit kami don ni Axel.
Nagbihis naman ako para sa gig, dahil narin ang dami kong pinuntahan.
Tinanggal ko naman yung mga gamit ko sa bag kong gamit, nakita ko naman yung regalo ni Qiel.
Binuksan ko naman, nanlaki mata ko ng makita ko yung laman.
Kwintas na crescent moon at may star, matagal ko ng gustong bilhin pero hindi kaya ng budget ko.
Grabe, naalala niya yun. Pinakita ko kasi sa kanya yun dati.
Sinuot ko naman agad, nagpicture naman ako.
Nahihiya man, sinend ko sa kanya at nagpasalamat.
Nung marinig kong kumakatok na sila Aralynn, mabilis lang ako nag-ayos at lumabas na.
BINABASA MO ANG
Music led us to be together
Teen FictionAlexandra Claire Coellin, a girl who loves to sing. She just entered a new university. A classmate of her introduced her to his band. She took the opportunity and she just shine in her own way. They sang together and their chemistry is above the top...