Chapter 57

19 2 0
                                    

Qiel Augustus POV

"O san ka pupunta?" tanong ni Kuya Timothy.

"Kay Xandie lang Kuya, alam ko na kung asan siya. Kailangan ko na siyang makausap, mag-iisang linggo na siyang tahimik" sagot ko.

"O sige, balitaan mo ko. Pero kung gusto mo, samahan kita para malinaw masabi ko din kasalanan ko. O gusto mo kayo muna?" sabi ni Kuya Timothy.

"Kami muna kuya" sagot ko.

"O sige balitaan mo nalang ako"

Umalis din naman ako agad ng bahay, pumunta muna ko sa grocery. Bibilan ko siya ng mga pagkain, pangmotivate mag-aral dahil LET na niya sa isang araw. Ako bukas na pero aasikasuhin ko muna siya.

After ko mamili, bago ko pumunta kila cassie. Nagsulat muna ko ng message sa papel.

'Pangmotivate mag-aral para sa LET. Goodluck love, galingan natin parehas para pareho tayo pumasa. Sunduin kita dyan para mahatid kita sa pageexaman mo ha. Sana makapag-usap narin tayo. I love you' sulat ko.

Nagmaneho narin ako papunta sa apartment ni Cassie. Buti sinabi saakin ni Calix.

Pagkarating ko, pinark ko lang kotse ko. Pumasok nako sa compound kung saan yung apartment ni Cassie. Hinanap ko lang yung number ng room niya. Kumatok naman ako agad.

Saktong pagbukas, si Claire agad ang bumungad saakin.

"Claire" tawag ko sa kanya.

Napatitig lang siya saakin saglit kaagad lang sinara yung pinto.

"Love please, can we talk about this?" kausap ko sa kanya mula sa pinto.

"I'll explain it to you, everything" sabi ko pa.

Ilang minuto akong nakatayo doon pero hindi na siya sumagot.

Napagdesisyunan kong umalis na, baka kailangan pa niya mag-isip.

Habang pababa ako ng hagdan, nakasalubong ko si Cassie.

"Kinausap ka?" tanong niya agad.

Umiling lang ako.

"Bumalik ka nalang ulit, baka sa kaling kaya na niya" tipid na ngiti ni Cassie.

"Okay lang ba siya? Umiiyak?" tanong ko.

"Nakatulala lang palagi, pero nung pangalawang gabi nagising ako nasa banyo lang siya nagkukulong" kwento niya.

Umiiyak nga.

"Can you give this to her?" pakita ko ng dala kong paperbag.

"Oo sige, sana tanggapin" kuha niya.

"Sige salamat cassie. Thank you din sa pag-aalaga sa kanya" ngiti ko.

Tumango naman siya.

Umakyat narin siya, bumaba nako pumunta sa kotse ko.

Umuwi akong parang hindi ako nakapasa ng LET.

Sana sinuyo ko nalang siya ng maigi kesa pumayag sa plano ni Jenny.

Alexandra Claire's POV

Napatingin ako sa pinto ng pumasok na si Cassie ng apartment niya.

"Okay ka lang?" tanong niya agad saakin.

Umiling lang ako at hindi ko na napigilan na tumulo mga luha ko. Napadukdok nalang ako sa braso ko.

Music led us to be togetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon