Chapter 5

67 9 2
                                    

Alexandra Claire POV

"Alexandra Claire Collin, inhale exhale" pakalma saakin ni Aralynn.

Nakasakay kami ngayon sa kotse papunta na kaming University, mamaya na yung contest. Medyo hindi ako mapakali at kabang-kabado na ko, yung kamay ko nanlalamig.

Pagkarating namin, agad naman akong lumabas ng kotse at nagpahangin. Ang lakas kasi ng tibok ng puso ko. Lumabas narin yung tatlo sa kotse habang hawak-hawak yung mga gagamitin ko mamaya, yung mga gown ko at pangmake-up. Supportive sila grabe, mas aligaga pa saakin.

First time kong sumali sa contest, hindi ko nga alam kung mananalo kami ni Augustus. Oo nga pala yung Augustus hindi na nagparamdam yun mula nung sa resto.

Naabutan naming naghihintay si Ma'am tolentino sa entrance kaya sumunod naman agad kami sa kanya.

"Iha eto yung pin mo, pangalawa kayo sa magpeperform mamaya" sabi ni ma'am sabay bigay ng isang pin na may nakalagay na education.

Nang makarating kami sa field kung saan magaganap yung contest.

Naabutan naming nakahanda na yung stage na pangyayarihan ng contest. Agad naman kaming pumasok ni ma'am sa isang maliit na tent sa likod ng stage. Pagpasok namin sa loob may salamin at upuan na nakahanda kaya agad naman na akong inayusan ng tatlo.

"Ayan, ayos kana sis!" sabi saakin ni Kiana pagkatapos niya kong lagyan ng make-up sa mukha.

Tiningnan ko yung repleksyon ko sa salamin at maganda yung pagkakaayos saakin ni Kiana. Nakahalf na pony yung buhok ko na kinulot-kulot ang dulo. Nakasuot narin saakin yung unang gown kong susuotin. Black dress na may sequence na gold sa may gawing dibdib at hanggang ilalim ng tuhod ang haba na ibinagay ko sa gold kong pumps.

Pumasok si ma'am sa loob ng tent at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Napangiti siya at pinuri ako.

"Ready kana ba?" tanong saakin ni ma'am habang lumalabas kami ng tent.

"Medyo po" alangan kong sagot. At nahagip ng mata ko ang lalaking nakatalikod na nakablack na tuxedo na hula ko si Augustus.

"Qiel iho halika rito" tawag sa kanya ni ma'am.

Halatang nagulat siya ng humarap siya saamin.

"Maayos ba ang lagay ng boses niyo?" tanong ni ma'am ng makalapit saamin si Qiel.

"Ofcourse ma'am" sagot ni Qiel. Nang tiningnan ako ni ma'am agad naman akong tumango.

Lumapit saakin si Qiel, tinaasan ko siya ng kilay.

"Naks Claire, mukha kang tao ngayon" pabiro niyang sabi. Kaya hinampas ko siya.

"Picture naman kayong dalawa tapos mamaya kasama si ma'am at kami naman" singit ni Kiana saamin kasama si Aralynn at Ellaine.

Natawa nalang kami sa tatlo at nagpapicture naman kaming dalawa at nagsunod-sunod na.

"Alam niyo bagay kayo!" komento ni Kiana habang tinitingnan yung kuha naming dalawa. Dahil sa sinabi niya binatukan ko siya.

"Pareng Qiel!" tawag ng isang lalaki na kay Qiel na may kasama pang isa. Lumingon naman agad si Qiel sa kanila at agad nilapitan siya.

"Hi ma'am ganda!" bati ng isa kay Ma'am Tolentino.

"Nako Drake at Joshua, nangbobola na naman kayo" bati ni ma'am sa kanila.

"Ma'am naman totoo yun!" sabi nung isa.

"Haay nako, maiwan ko muna kayo rito. May kukunin pa pala ako babalik ako" sabi pa ni ma'am bago umalis.

"Qiel eto ba yung partner mong kinababaliwan mo?" tanong ng isa na ikinalaki ng mata ni Qiel at agad binatukan.

Music led us to be togetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon