Chapter 47

20 2 0
                                    

Qiel Augustus POV

"Dad puntahan ko na si Claire" sabi ko kay Dad.

Umalis din ako agad, bumaba ako agad sa parking lot. Pumunta naman ako agad sa apartment niya.

May naiwan siyang gagamitin sa final demo niya sa apartment niya. Saktong gusto ko siyang samahan kaya ako na nag-insist na kumuha. Buti okay lang na umalis ako sa Office.

Kinuha ko lang agad yung kailangan niya sa apartment niya bago dumiretso sa University.

Sinalubong niya ko agad, pagkababa ko sa kotse.

"You're my savior talaga" akap niya saakin.

Inakap ko naman siya pabalik at kiniss sa cheeks.

Pumunta naman kami agad sa elementary building. Inayos naming dalawa yung gagamitin niya sa harap ng room.

Habang nagbabasa si Xandie sa tabi ko, hinawakan ko lang yung kamay niya.

"Stay calm love, nanginginig ka" bulong ko sa kanya.

Tinanguan niya lang ako, tinuloy niya lang pagbabasa niya. Pinanuod ko lang yung students niya na pumasok ng room nila.

"Kayo po diba yung kasama ni Teacher Alexandra sa The World Top Performer?" lapit saakin ng isang estudyante niya.

"Oo ako yon" ngiti ko naman.

"Kayo po?" tanong pa ng isa niyang kasama.

"Oo kami" ngiti ko lalo.

"Yieeeee" sigaw nilang lahat.

Natawa nalang ako sa tinuran nila. Napatingin naman saakin si Claire.

"Kayo talaga, kadadaldal niyo" bawal ni Claire.

Tawanan lang lahat, pinaayos lang sila lahat ni Xandie. Binigyan naman na niya ng instructions lahat ng estudyante niya.

Ilang minuto lang nakalipas, dumating na yung magjujudge sa kanya. Buti pinayagan akong nasa loob ako habang magdedemo siya. 

Ako na nag-asikaso pa ng iba bago siya nagstart. Ako rin nagdocument ng whole demo niya.

Naalala ko nung ako nagdemo, kasalukuyan noon na sobrang busy dahil sa preparations para sa laban namin na makakapagpapasok saamin sa music academy na yon. Kami lang lagi magkasama, siya lang at dalawa kong kaibigan na sila Drake at Joshua katulong ko sa preparations sa final demo ko.

Kahit sobrang awkward nung una-una, pero kalaunan naging maayos naman yung pagsasama naming dalawa. Lalo na nung practice ng competition, noong mga panahon nayon lalong bumalik kami sa dati.

Maganda ang naging daloy ng demo ni  Claire. Kinausap lang siya sa labas nung mga nanuod sa kanya, ako na nagligpit ng pinaggamitan niya habang nasa loob parin ng room mga estudyante niya.

Pumasok naman na si Claire ng may malaking ngiti.

"Qiel 98 score ko!!!!!" tuwang-tuwa niyang sabi patakbo saakin at yumakap.

"Congratulations love, I'm so proud of you" bulong ko sa kanya habang yakap-yakap siya.

Umalis naman siya sa yakap, naramdaman din niya siguro na maraming nakatingin saamin na bata.

"Dahil Very Good kayo kanina, may ice cream kayo kay Teacher!"  masaya niyang sabi sa mga estudyante niya.

"Yehey!" masayang sigawan ng mga bata.

Isa-isa namin silang binigyan ng cup ng ice cream.

"O ano sasabihin kay Teacher Alexandra dahil bibigyan niya kayo ng ice cream?" sabi ko.

Music led us to be togetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon