Alexandra Claire's POV
"Gising kana Qiel" tapik ko sa kanya.
Bumalikwas naman siya ng upo.
"Maliligo na teka" nagmamadali niyang sabi.
Natawa naman ako sa kanya.
"Uyy, chill lang. Maaga pa" natatawa kong sabi.
Napahinto naman siya sa pag-akyat ng hagdan.
Bumusangot siya tsaka tumabi saakin ulit.
"Nagchat nako sa gc, mga tulog parin jusko" sabi ko.
"Baka gumagayak lang, kaya hindi pa nasagot" sabi niya.
"Ewan, gagayak nako. Magpapatuyo pako ng buhok" sabi ko tsaka tumayo.
Hinila niya ko ulit paupo.
"Pancake?" tanong niya.
"Oo pero maligo ka narin. Masamang nagluto muna bago maligo" sabi ko.
"Sabay tayo?" ngiti niyang nakakaloko.
"Magkaiba banyo hanoh! Bastos!" palo ko sa kanya.
Tinawanan niya lang ako.
Gumayak naman na ako. After nun kumain na kami tsaka dumiretso na kila Cassie.
Nasa kanila yung mga costume, kinuha lang namin tsaka isinakay na namin si Cassie. Dumiretso naman na kami ng studio.
"Kumpleto naba tayo?" tanong ko sa lahat pagkapasok ko sa studio.
"Kumpleto na" sagot ni Alexis.
"Tara na rehearsal" sabi ko.
~••••••••••••••••••••••••••••••••••~
"Maayos naman po ma'am yung rehearsal" sagot ko kay ma'am.
Andito na kami sa stadium, venue ng performance namin. Minemakeupan na yung iba saming mga babae. Andito kami sa isang room.
"Kailangan pala ng pangalan ng grupo nak" sabi ni ma'am.
"Hala ma'am, pano yan?" napaisip naman ako bigla.
"Guys kailangan daw natin ng pangalan. Pangalan ng grupo natin" sabi ko sa lahat.
"Ngayon ko lang naalala, pasensya na mga anak" sabi ni ma'am.
"Okay lang ma'am, mas nakakaexcite" singit ni Calix.
"May naisip ba kayo?" tanong ko.
"The bomb?" sushetsyon ni Liza.
Nagsisang-ayon naman lahat
"Representative tayo ng Philippines" sabi ni ma'am.
"The Philippine Bomb?" sabi ni Alexis.
"Oo yan na!" sang-ayon ni Cassie.
"Ano po ma'am?" tanong ko.
"Sige, maganda yan" ngiti ni ma'am.
"Okay na kayo don?" tanong ko sa lahat.
Sumang-ayon naman silang lahat.
Umalis naman na si ma'am, inikot ko naman yung paningin ko.
Wala si Qiel.
Nilapitan ko naman si Calix.
BINABASA MO ANG
Music led us to be together
Fiksi RemajaAlexandra Claire Coellin, a girl who loves to sing. She just entered a new university. A classmate of her introduced her to his band. She took the opportunity and she just shine in her own way. They sang together and their chemistry is above the top...