Alexandra Claire's POV
"All the girls on the block knocking at my door
Wanna know what it is make the boys want more"
Pinatay ko naman agad yung alarm ko sa phone ko. Napangiti naman ako ng maalala ko na first day of school ngayon.
Finally, kasama ko na silang tatlo.
Napatingin naman ako sa pinto ko ng biglang bumukas.
"Good Morning Ms. Alexandra Claire Collin! Bangon na at papasok na" sabay-sabay na sabi nila Aralynn, Kiana at Ellaine.
Speaking off.
"Pinagpraktisan niyo pa ata yan?" biro ko.
"Gumayak ka na" sabi ni Aralynn bago isara ang pinto.
Napailing nalang ako.
They've been my friends since 2nd year highschool. Lucky to have them, till now.
Magkakasama kami ngayon sa bahay ng tita ni Ellaine, dito kami titira dahil nasa probinsya pa ang mga bahay ng magulang namin. Kahit papaano, malapit sa university namin. Maganda rin dahil kami lang apat ang andito, sa iba na kasi nakatira tita ni Ellaine.
Bumangon naman na ako sa kama at gumayak na. After ko, lumabas naman na ako agad ng kwarto ko. Naabutan ko naman sila sa dining area, nag-aalmusal na.
"Excited?" bungad saakin ni Aralynn, pagkaupo ko sa tabi niya.
"Yes naman" ngiti ko.
"Finally kasama kana namin" masayang sabi ni Kiana.
"At nasa iisang bahay na tayo ngayon" dugtog pa ni Ellaine.
Nagkangitian naman kaming apat.
Masaya lang kaming nagkwentuhan at nag-almusal. Pagkatapos namin ligpitin pinagkainan namin, nag-ayos lang kami onti. Lumabas naman na kami ng bahay, sumakay sa kotse ni Aralynn.
Papunta kami ngayon sa Alvarez University, pangarap talaga naming apat na University itong Alvarez. Nahuli lang talaga ko sa kanila na pumasok rito, dahil naiba ang plano ko sa kanila dati.
Magkakaiba kami ng course, ako ang kukunin ko Elementary Education. Si Kiana, Accounting, si Ellaine, HRM at si Aralynn, Business Management.
Pagkapark namin sa parking lot, agad kaming pumunta sa mga buildings. Hinatid muna nila ako sa building ko.
"Oh kaya mo naman na siguro?" tanong ni Aralynn.
"Oo naman, see you nalang mamaya" sabi ko sa kanila.
Naiwan naman ako sa gitna ng maraming kumpol ng estudyante. Huminga naman ako ng malalim bago naglakad papunta sa hagdan. Umakyat naman na ako agad, naglakad lang ako sa mahabang hallway at pumasok sa room ko.
Naupo naman ako agad sa unang row, dahil mas kaunti ang nakaupo.
Kinuha ko lang sa bag ko yung pocket book at mp3 ko. Sinuot ko lang yung earphones ko at nagpatugtog habang nagbabasa.
Maya-maya naramdaman ko namang may tumabi na saakin, pero hindi ko na nilingon pa dahil nakafocus ako sa binabasa ko.
"I want you to stay, never go away from me. Stay forever..." hindi ko mapigilang pagsabay sa kanta habang nagbabasa.
Napatigil naman ako sa pagbabasa ng marinig kong dumating na yung professor namin. Tanggal ng earphones at lagay agad sa bag. Naupo naman ako ng maayos, nakinig sa sinasabi ng professor.
BINABASA MO ANG
Music led us to be together
Genç KurguAlexandra Claire Coellin, a girl who loves to sing. She just entered a new university. A classmate of her introduced her to his band. She took the opportunity and she just shine in her own way. They sang together and their chemistry is above the top...