Alexandra Claire's POV
Inuwi na ako ni Qiel sa bahay dahil hindi maganda ang pakiramdam ko.
Nasa kwarto ko ako ngayon, hinihintay si Qiel na dalhan ako ng pagkain. Binuksan ko naman yung box ng gamit ko para sa school next year.
Kinuha ko naman yung bag ko tsaka kinuha sa loob yung maliit na pouch na may lamang mga papel ko.
Kinuha ko yung schedule at list ng kailangan kong gamit. Tiningnan ko naman yung mga list tsaka kumuha sa box ng pwede kong gamitin.
Sa gitna ng ginagawa ko, pumasok naman na si Qiel ng kwarto ko. Nilagay naman niya yung tray ng pagkain namin sa table ko.
"Can you tell me what's wrong?" nag-aalala niyang tanong habang nakatayo sa gilid ko.
Hinarap ko naman siya tsaka pinaupo sa kama ko.
"Remember my friends here, sila Kiana?" sabi ko.
Tumango naman siya, hinawakan niya naman yung kamay ko.
"Diba may sarili kaming bahay, pumunta ko dun kahapon. For surprising them na nakauwi nako. Kahit na medyo nagtatampo ako sa kanila. Pinangakuan nila kasi akong dadating sila nung performance natin at susunduin nila ko pag-umuwi. Kumatok ako, at ibang tao yung humarap saakin. Iba na pala yung nakatira don. Sinabi saakin na 2 months na daw simula nung lumipat sila don. So umalis narin ako dahil wala rin naman pala kong magagawa don" kwento ko.
"May connection ba kayo habang nasa America tayo?"
"Simula nung nasa america na tayo, hindi ko na sila macontact. Nagbago kasi ako ng facebook, naadd ko naman sila. Diba may ilang buwan, hindi tayo nakapag-online sa busy. Nawala na sila sa friends ko, parang blinock pa ata nila ako kasi hindi ko sila mahanap. Hanggang sa malimutan ko nalang dahil busy narin tayo"
Halata naman sa mukha niya na napaisip siya.
"Eto ang ikinagulat ko kahapon, nabuksan ko luma kong facebook dahil may list ako sa bahay. Binuksan ko yung gc namin, 4 months ago huling chat nila. Puro bangayan mga nabasa ko, hanggang sa ayaw na daw nila. May nabasa pako na ako sinisisi nila, kasi nalimutan ko na daw sila. Na mas masaya na daw ako sa mga bago kong kaibigan." kwento ko. Bigla na naman sumama yung pakiramdam ko, napahawak ako ng mahigpit sa kamay ni Qiel.
"Ang saya-saya nila para saakin bago ako umalis, sobrang excited nila. Ang dami pa nilang plano non, nawala lang ako ng ilang buwan naging ganon na agad?"
"Parang kapatid na ang tingin ko sa kanila, for a lot of years they've been my life. Lahat ng bagay ginawa namin kasama ang isa't-isa" napapikit kong sabi.
"Wala akong sawang sabihin sa kanila na sila ang best of bestfriends ko. Nakita mo naman yon dati diba?" tingin ko kay Qiel.
Tumango naman siya.
"Hindi ko sila maintindihan, pinaalalahanan ko naman sila na magiging inactive ako. Tas sa huli, ako ang sinisisi nila? Ako ang walang kwenta?" hindi mapigilang umiyak.
~•••••••••••••••••••••••••••••••~
Kagigising ko lang, nakatulog ako kanina sa balikat niya kakaiyak kaya inihiga niya muna ko sa kama ko at binantayan.
Naghiwalay din naman kami sa yakap ng marinig kong tumunog yung phone ko.
"Who's that?" tanong niya.
"Nagchat si Kuya Timothy sa gc ng banda namin na kasali parin ako. May gig daw mamaya" sabi ko.
"You're going?"
BINABASA MO ANG
Music led us to be together
Novela JuvenilAlexandra Claire Coellin, a girl who loves to sing. She just entered a new university. A classmate of her introduced her to his band. She took the opportunity and she just shine in her own way. They sang together and their chemistry is above the top...