Chapter 13

34 7 0
                                    

Alexandra Claire's POV

"Ahahahaha! Ang cute mo kaya" sabi ni Axel.

Hinablot ko naman sa kanya yung picture ko ng bata.

"Sus, hindi kaya" sabi ko.

"Mas cute ka ngalang ngayon" kurot niya sa pisngi ko.

Magsasalita na sana ko ng kalabitin ako ni Jessie.

"May naghahanap sayo sa labas" sabi niya.

"Sino?" tanong ko.

"Gurl puntahan mo nalang" sabi niya.

Naweirdohan naman ako sa kilos niya, para siyang natatakot na ewan.

Paglabas ko nakita kong nakatayo lang si Qiel sa gilid habang nakatingin sa kawalan.

"Qiel?" tanong ko sa kanya na medyo ikinagulat niya.

"Pinapatawag tayo ni Ma'am Tolentino" sabi niya.

"Now na?" tanong ko.

"Oo, busy kaba?"

"Hindi, may kukunin lang ako sa loob" paalam ko.

Pumasok naman ako, kinuha ko yung phone at pitaka ko.

"Sino naghahanap sayo?" hawak ni Axel sa kamay ko.

"Si Ma'am Tolentino" sagot ko.

"Sino andon?" tanong pa niya.

"Si Qiel" sagot ko.

Nawala naman ngiti niya.

"Punta nako, hinihintay kami ni Ma'am Tolentino" sabi ko, tumango lang naman siya.

Nako naman.

Lumabas naman na ako.

"Saan tayo?" tanong ko agad kay Qiel.

"Sa music room" sagot niya.

"Ahh sige, tara na" sabi ko at naglakad na.

Tahimik lang kaming naglalakad papuntang music room.

Awkward.

"Ano daw meron?" tanong ko.

"New contest, level-up nung last time" sagot naman niya.

Tumango lang ako, tahimik lang naman siya.

Pagpasok namin agad naman kaming nilapitan ni Ma'am Tolentino.

"Mga anak, maupo na kayo sa unahan. Dun lang kayo, at may kukunin lang ako" sabi ni Ma'am bago umalis.

Agad namang nagsimula yung meeting tungkol sa gaganaping contest nang mapuno yung mga upuan na nakahilera sa loob ng music room.

"Sa unang part ng contest, si Jenny Raine Cruz sa female solo at si Drake Chua sa Male solo. Sa pangalawang part ng contest duo naman, Si Alexandra Claire Collin at Qiel Augustus Padilla. Ang huli naman, Acapella de Alvarez ang ilalaban para sa acapella singing." explain saamin ni Ma'am Tolentino.

"Kilala niyo naman siguro ang isa't-isa dahil kayo-kayo ang mga nanalo nung University Meet. So itong contest na toh, bagong level lang pero pangprovince naman. Lelevel up pa yung contest, pangbuong pilipinas naman. Kaya galingan niyo, para sa university din natin" dugtong pa ni Sir Zaragosa na mentor ng Acapella de Alvarez.

Sa mga narinig ko, hindi ko mapigilang kabahan. Pangmalakihang contest yun, hindi ko alam kung gano ba kagaling yung mga makakalaban ko.

"After 1 month pa naman gaganapin, pero kailangan na namin kayong iready. Sa ngayon, hindi muna namin kayo prapraktisin. Pero eto yung mga kanta na pwede niyong kantahin, pag-aralan niyo. Every Tuesday and Thursday ang praktis niyo, 1:00pm-3:00pm na magstastart next week" explain saamin ni Ma'am Hernandez na mentor ng solo habang binibigay saamin isa-isa yung folder.

Music led us to be togetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon