Chapter 28

35 5 0
                                    

Qiel Augustus POV

"Here's the script guys!" sigaw ni Leo sa lahat pagkapasok namin ng studio.

Kakapaxerox lang namin ng script.

Hinanap naman agad ng mata ko si Xandie sa buong room. Nakita ko siyang nasa tapat ng table, umiinom ng tubig.

Napangiti naman ako ng maalala ko yung kagabi.

Ikaw talaga ang gusto ko.

Nung inakap ko siya, nakatulog naman siya dahil sa kakaiyak. Inakyat ko nalang siya sa kwarto niya.

Kumuha naman ako kay Leo ng dalawang script, tumakbo naman na ako papunta sa kanya.

"Claire eto na yung script mo oh" abot ko sa kanya ng script.

Humarap naman siya saakin, nginitian niya lang ako tsaka nagpasalamat pagkatapos kunin yung script. Binuklat naman na niya yung script, seryoso niyang binasa habang nakasandal sa lamesa.

Tinabihan ko naman siya, tsaka tiningnan yung script niya.

"Seryoso ka ata masyado dyan sa script" biro ko.

"Aba dapat lang kasi mahirap ng magkalito-lito tayo" sabi naman niya.

"Sino may gawa niyang script?" tanong ko naman.

"Kami ni Alexis" sagot naman niya.

Napatigil naman siya sa pagbabasa nung script, inilibot niya yung mata niya sa buong room.

Napabuntong-hininga siya tsaka pinahawak yung script niya saakin. Kinuha naman niya yung phone niya sa bag niya, nagpindot lang siyang onti tsaka itinapat sa tenga niya yung Phone niya.

"Hello Alexis, aba good morning din sayo. Gumayak kana andito na kaming lahat, ikaw nalang wala for your information" sabi niya.

"Hahhaha bahala ka basta gumayak kana bye" sabi niya tsaka itinago yung phone niya sa bag.

Humarap naman siya saakin habang nakapamewang.

"Ikaw ano problema mo?" tanong niya.

"Wala naman hehehe"

"Ayain mo sila magvocalization" malumanay niyang sabi.

"Hindi ka sasama?" tanong ko.

"Sasama ko ireready ko lang yung speaker, kakantahin na natin isa-isa" sabi niya.

Tinanguan ko naman siya, tsaka tinawag lahat.

"Magvocalization muna daw tayo, tas isa-isa na natin daw kakantahin. Magseryoso kayo muna, mainit ata ulo" sabi ko na may halong biro.

Mahina naman silang nagtawanan. Tsaka nagapir pa kami sa isa't isa.

"Let's start, cassie simulan mo na" sabi ko naman.

~•••••••••••••••••••••••••••••••~

"Good morning everyone!" bati ni Alexis pagkapasok sa room namin. Napatingin naman kami lahat sa kanya.

"Good morning Mr. Montemayor" bati naman ni Xandie sa kanya.

"Sorry I'm late he he he" sabi niya kay Xandie.

Nagpacute pa si uto.

Nilapitan naman niya si Xandie, akmang aakbay ng bumukas ulit yung pinto.

"Mga anak, kamusta practice?" bungad saamin ni Ma'am Diana.

Music led us to be togetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon