Chapter 24

40 6 0
                                    

Qiel Augustus POV

"Saan ba mahilig si Margareth?" tanong ko kay Claire.

"Minimalist na mga gamit" sagot niya habang nagkukulkol ng damit.

Nasa Department Store kami ngayon, naghahanap ng regalo kay margareth.

"Oo nga pala, ikaw gusto mo mga bongga diba?"

"Alam mo maghanap ka nalang din, para umunlad man lang buhay mo"

"Opo" sabi ko nalang.

"HAHAHAHAHA kawawa ka naman Qiel"

Napatingin nalang ako sa likod ko.

Si Calix lang pala.

"Pre ano ginagawa mo rito?" tanong ko.

"Naghahanap din ng pangregalo"

"Alam kong kilala mo yung kapatid mo, ano pwedeng magustuhan niya rito" lapit ni Xandie saamin.

Iniharap niya kay calix yung dalawang damit na mag-kaiba.

"Ayaw niya ng violet, kaya yang blue na lang" sagot naman ni Calix.

"Thank you! Pano ba yan, tapos na ko" pang-iinggit ni Xandie saamin.

"Manggagamit ka pala ha, ginamit mo lang si Calix!" inis ko sa kanya.

Inirapan niya lang ako. Tumatawa naman si Calix saaming dalawa.

"Maghanap nalang tayo pare" akbay saakin ni Calix at dinala ako sa mga make-up.

"Oyy, gora lang ako sa mga stationary ha. Tawagan niyo nalang ako" rinig kong sabi ni Xandie.

"Sige!" sagot ni Calix.

"Alam mo pre, ligawan mo na ulit si Xandie" sabi ni Calix.

"Pre, matagal ko ng gusto yan. Pero kapag pinararamdam ko sa kaniya, ramdam kong iwas siya. Ayaw pa niya kaya gagalangin ko nalang yon"

"Bahala ka, may mauna pa sayo niyan" sabi niya habang iniwan akong nakatayo dun.

~•••••••••••••••••••••••••••••~

"Happy Birthday Margareth!" bati naming lahat sa kanya na kapapasok lang.

"Iiyak na yan! Iiyak na yan!" kantyaw ni Calix.

Tinawanan lang kami ni Margareth. Nilapitan niya kami at inakap kami lahat.

"Thank you guys!!!" pasalamat niya habang magkakayakap kami.

"Kainan na!" sigaw ni Cassie.

"Napakatakaw mo talaga" sigaw naman ni Xandie kay Cassie.

"Che!" sigaw naman ni Cassie pabalik.

Naupo naman na kami lahat sa dining table, kanya-kanyang kuha na ng pagkain.

"Hoy Augustus! Huwag mong ubusin yung chocolate sa gilid ng cake!!!" nagmamaktol na sabi ni Xandie.

"Para sayo toh, huwag ka ng gumanyan" sabi ko.

"Talaga?" sabi niya habang ngiting-ngiti, nagnining-ning pa ang mata.

Tumango naman ako tsaka binigay sa kanya yung isang plato na may malaking slice ng cake at puro chocolate.

"Tong mag-asawa na toh, napakaPDA" sabi ni sally.

Napatingin naman kami ni Xandie sa kanya habang nakakunot ang noo.

Music led us to be togetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon