Alexandra Claire's POV
"All the things you'll need or questions are already here na ha, pero kung may questions kayo feel free to contact me okay?" paalala ni Kuya Troy saamin ni Qiel.
"Yes po, thank you po talaga Kuya Troy" pasalamat ko.
Nasa isang Coffee shop kaming tatlo, si Kuya Troy ang nagsilbing guide namin simula nung tumuntong kami rito sa New York ni Qiel.
Kagaya lang namin siya na nabigyan ng opportunity na makapasok sa isang Music Company. Now he is writing songs for artists.
"Alam ko naman na gagalingan niyo, pero galingan niyo pa lalo. Napakalaking points na toh para mapasok kayo sa performing, singing o dancing man yan" sabi pa niya.
"Makakaasa po kayo kuya" sabi ni Qiel at tiningnan ako.
Tumango naman ako, pinanuod ko lang sila mag-usap. Habang ako tahimik lang na kumakain.
The North, basa ko sa brochure nang Music Company. Binasa ko lang din yung brochure ng university na pag-aaralan namin para ipagpatuloy ang pag-aaral.
Sa totoo lang kinakabahan ako, hindi ko alam kung saan punta namin dalawa. Buti supportive at tuwang-tuwa naman sila mama about dito.
Hanggang ngayon, hindi parin nagsysync-in saakin ang lahat. Hindi rin ako makapaniwala na nakatira ko ngayon sa New York.
Napatingin naman ako kay Qiel na masaya lang na nakikipagkwentuhan kay Kuya Troy, napakathankful ko na siya ang kasama ko dito.
Napakamaasikaso niya, ako hindi ko alam kung ano gagawin. Siya alam niya agad, kabilis niyang maging pamilyar sa lugar.
"O siya aalis na ako ha, mag-iingat kayo lagi" paalam ni Kuya Troy.
"Ingat din po kayo" sabi ko habang tinatanaw siya na lumakad palayo saamin.
Nagkatinginan naman kami ni Qiel, kinabahan naman ako bigla.
"Lets go?" tanong niya.
Tumango lang ako, naglakad naman na kami pauwi.
Medyo awkward parin kami sa isa't-isa, hindi kagaya ng dati na sobrang daldal namin pagmagkasama.
Napabuntong-hininga nalang ako at niwaglit nalang yung iniisip ko. Bago ko pa maalala yung problemang iniwan ko sa Pilipinas.
"Qiel" tawag ko sa kanya.
Lumingon naman siya habang naglalakad parin kami.
"Mamili tayo bukas ng kailangan and supplies narin sa apartment" sabi ko.
"Okay, after lunch?"
"Sige" sang-ayon ko.
Tahimik lang kaming naglalakad.
"Kinakabahan kaba?" lingon niya saakin.
"Saan?" nagtataka kong tanong.
"Taking this performing path"
"Sobra" sagot ko.
"Me too, but i'm excited" napangiti niyang sabi.
"Nakakaexcite na nakakatakot, kakayanin naman natin diba?"' tingin ko sa kanya.
"Andito na tayo, naabot na natin toh. Syempre kakayanin, gagalingan pa natin" tingin niya saakin
Napangiti naman ako at tinanguan siya.
~•••••••••••••••••••••••••••••~
"How's your first class?" tanong saakin ni Qiel, pagkapasok ko ng kotse niya.
BINABASA MO ANG
Music led us to be together
Teen FictionAlexandra Claire Coellin, a girl who loves to sing. She just entered a new university. A classmate of her introduced her to his band. She took the opportunity and she just shine in her own way. They sang together and their chemistry is above the top...