Alexandra Claire's POV
"Magpahinga ka muna, habang hinihintay sila Danielle at France" sabi ni Kuya Timothy saakin pagkapapasok niya saakin sa kanila.
"Maupo ka muna dyan" sabi pa ni Kuya.
"Ikaw palang andito kuya?" tanong ko.
"Nandyan sila Veron at Axel" sabi niya.
"Tingnan mo sabi ko na kasi huwag na muna, mukha kang pagod na pagod" sermon niya saakin.
"Keri ko naman kuya toh naman" tawa ko.
"Edi nawalan ka ng energy bukas, o ayan na yung dalawa" sabi ni Kuya Timothy.
Nakita ko naman sila Kuya Veron na may dalang tray ng sandwiches tas si Axel may dalang pitchel na may lamang juice.
"Kumain kana Xandie, alam kong pagod ka" lapit saakin ni Kuya Veron.
"Grabe ahh, masyado ata asikaso niyo ano meron?" tawa ko.
"Syempre namiss namin yung lucky charm at prinsesa namin noh" sabi ni Kuya Timothy sabay tabi at akbay saakin.
Napakangiti naman ako don.
"Kinikilig pa siya oh" tawa ni Kuya Timothy.
"Ehh kasi naman eh" maarte kong sabi tsaka tumawa.
Nagtawanan naman kami lahat.
"Sige kumain kana, masyado mo kaming nililibang" bati saakin ni Kuya Veron.
"Ehh a--" naputol sinabi ko.
"Xandie" bawal ni Kuya Timothy.
"Opo" sabi ko nalang.
Kumain naman kaming apat habang hinihintay yung dalawa.
"Kumusta naman yung mga guesting niyo?" tanong ni Kuya Veron.
"Medyo nakakapagod kasi paulit-ulit na sa sayaw at kanta. Pero enjoy naman" sagot ko.
"Maayos ka lang ba sa amerika? Wala bang nangyari na masama sayo? Pwede mo naman kaming kwentuhan" tanong ni kuya timothy.
Nagulat naman ako sa inasal ni Kuya. Medyo natouch ako dahil don. Inalala ko naman yung mga nangyari.
"Wala naman ata kuya" sagot ko habang nag-iisip parin.
"Wala namang ginawa sayo si Qiel?" tanong ni Kuya Veron.
"Wala, sobrang ingat niya saakin promise" sabi ko.
Napatango-tango nalang sila.
Napakaiissue kay Qiel jusko.
"Bakit ba ganyan kayo makatanong kay Qiel?" pabiro kong tanong.
"Syempre noh, kailangan baka mamaya sinaktan kana pala" sabi naman ni Kuya Timothy.
"Kapatid mo yun, pinagdududahan mo" sabi ko na kahit pabiro nagpatahimik sa kanila.
"Kapatid sa ina" sabi naman ni Axel tsaka tumayo.
Pinagbuksan naman ni Axel sila Danielle at France.
Nagtatawanan pa silang dalawa nung pumasok, napatahimik din sila nung pumasok na napansin na may awkwardness sa paligid.
Tumayo naman ako at inakap yung dalawa.
"Baby girl namiss kita" sabi ni France.
"Miss din kita!" tugon ko naman.
Umalis naman ako sa yakap sa kanilang dalawa. Kinurot naman agad ni Danielle yung pisngi ko.
BINABASA MO ANG
Music led us to be together
Teen FictionAlexandra Claire Coellin, a girl who loves to sing. She just entered a new university. A classmate of her introduced her to his band. She took the opportunity and she just shine in her own way. They sang together and their chemistry is above the top...