Timothy's POV
Napabuntong hininga nalang ako nung sinend ko sa kausap namin sa guesting na hindi kami makakarating.
Sayang pero kasalanan ko rin naman.
Nasa restobar ako ngayon, pinanunuod ko lang yung mga staff ko na mag-ayos.
Ilang araw nakong pinapatay ng konsensya ko.
Hindi ko magawang lapitan o kausapin si Xandie sa takot na masira lang siya lalo.
Sinira ko buhay nung mga bata, lalo na si Xandie.
Akala ko tama mga pinaggagagawa ko, pero nasasaktan ko na pala sila.
Andami tuloy naapektuhan.
Nahinto tuloy yung dalawa sa performance nila ng dahil sa mga pinaggagagawa ko.
Hanggang balita nalang ako kay Xandie na inuwi sa magulang niya. Malamang mapapatay ako ng pamilya nun. Hindi parin daw okay si Xandie, maya't-maya parin ang iyak at episodes niya.
Tangina Timothy, kasalanan mo yan.
Hindi ko rin makausap si Qiel, dahil nakablock na ako sa kanya. Sa bestfriend nalang ni Xandie ako nakakakuha ng balita.
Hindi ko alam gagawin ko, kung paano ko sosolusyonan o pagagalingin lahat ng sakit na ginawa ko sa kanila.
Sinusubukan kong kausapin si Axel pero galit parin. Si Mama, iwas narin saamin. Baka nagtampo sa pagsigaw namin sa kanya dati o nagsisisi sa ginawa niya kay Xandie.
Napainom nalang ako sa kape ko.
Kailangan kong ayusin lahat ng nasira ko, kahit hindi nila ko patawarin makabawi man lang ako. Makapagsorry man lang sa kanila, lalo na kay Xandie. Mukhang matatagalan pa yung kay Xandie, hindi ako pwedeng magpakita sa kanya.
Sisimulan ko muna siguro sa mga kapatid ko. Ayusin ko kaming tatlo, pero sa tamang at pinag-isipan na paraan na.
Yun din naman ang gusto ni Xandie, ang magkaayos kaming tatlo.
Alexandra Claire's POV
"Galing ah! O sige magplay kana Chelsea" palakpak ni Augustus.
Tiningnan ko lang si Chelsea na pumunta sa playhouse niya sa salas.
Sinara ko naman na yung libro niya at inayos yung mga gamit niya sa school. Ako ang nagtuturo kay Chelsea sa mga assignment niya at mga Quiz niya sa school.
"You okay love?" tanong ni Augustus mula sa tabi ko.
"Yeah" ngiti ko sa kanya.
Mag-iisang buwan narin simula nung mahospital ako. Muntikan daw huminto yung pagtibok ng puso ko nun. Doon lumabas na may problema nako sa puso.
Sabi nga nila heartbreaks can really break your heart.
Hindi ko alam kung paano sinabi ni Augustus kila Mama lahat pero buti hindi siya gaanong pinagalitan. Halatang natakot rin siya.
Buti natutunan ko ng kalmahin sarili ko kapag nararamdaman ko ng aatakihin ako. Lagi namang nakabantay saakin si Augustus kaya I feel okay.
"Uy, tulala ka na naman" tawag niya sa pansin ko.
"I'm fine, just thinking" sagot ko.
"About?"
"Everything" harap ko sa kanya.
"Remember happy thoughts only, mamaya atakihin ka na naman" paalala niya.
"Happy thoughts only" ngiti ko.
BINABASA MO ANG
Music led us to be together
Novela JuvenilAlexandra Claire Coellin, a girl who loves to sing. She just entered a new university. A classmate of her introduced her to his band. She took the opportunity and she just shine in her own way. They sang together and their chemistry is above the top...