Chapter 68

14 2 0
                                    

Qiel Augustus POV

"May balita kana kay Xandie?" bungad saakin ni Cassie nang pagbuksan ko siya ng pinto.

Pinapasok ko naman sila nila Margareth, Calix at Alexis.

"Wala pa" sagot ko.

"Saan naman kaya pupunta yon?" sabi ni Margareth.

"Baka naghotel lang" sabi ni Calix.

"Alexa wouldn't do that" sabi ni Alexis

"Baka umuwi sa magulang niya" sabi ni Cassie.

"Let's go" aya ko sa kanila.

"Seryoso ka?" gulat na sabi ni Margareth.

"I'll go" tayo ni Alexis.

Nagtinginan naman sila Calix at Cassie.

"Now na?" tanong ni Cassie.

"Yes" sagot ko.

"Tara na, time is running" aya ni Alexis.

Lumabas na kami agad, sakay sa kotse ko at ni Calix. Sumama sa kotse ko si Alexis.

"Sundan mo nalang ako!" sigaw ko kay Calix. 

Nagthumbs-up naman siya, nagmaneho na ako.

"Nagkausap na kayo ng Mama mo?" tanong ni Alexis.

"Pinuntahan ko siya kagabi, wala lang siyang sinabi kundi layuan ko nalang daw si Claire. Walang magandang maiidulot daw saakin si Claire. Hindi daw kami magkaayos at mabuo magkakapatid nang dahil lang sa kanya" sagot ko.

"Matagal na bang ganyan ang Mama mo kay Alexa?" 

"Ngayon lang niya ginawa yon, ngayon ko lang din nakita na may side na ganon yung nanay ko. Pangiti-ngiti lang naman siya kay Claire, kapag magkasama sila" kwento ko naman.

"Edi ibig sabihin, matagal ng may kinikimkim na galit mama niyo kay Alexa?"

"Hindi ko rin alam, hindi kami masyadong nag-uusap ni Mama" 

"Hindi kayo close?"

"No" mapait na sagot ko.

"Oo nga pala, recently mo lang nalaman"

"Siya tong laging nagsasabi na puntahan ko daw siya, para makabawi saakin. Pero lagi naman siyang busy, paghinahanap ko siya" mapait kong kwento.

"Kaya lagi kang nakakila Mom mo?"

Tango ko.

Magsasalita sana ulit siya nang may tumawag sa kanya.

"Hello Cassie, bakit?" 

"Okay-okay" sabi niya at patay nung tawag.

"Ano meron?" tanong ko.

"Nagchat na siya sa gc ng Phil. Bomb" sagot niya.

"Good afternoon guys, sorry kung hindi natuloy yug meeting kahapon. Lipat nalang natin bukas, whole day sana. May dumating na sakin na instruction at next week na yon agad. We need to get ready ASAP. Thank you for understanding" basa niya.

"Asan kaya siya? Chat mo kaya?" sabi ko.

"Teka tumatawag ulit si Cassie" 

"Ano?! Sige, babalik na kami"

"What?!" tanong ko.

"Balik daw! Nakita daw nila sa nadaanang drug store si Alexa" taranta niyang sabi.

Music led us to be togetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon