Axel Valentine's POV
"Kuya magtrabaho naba ako agad?" tanong ko kay Kuya Timothy habang parehas kaming nag-iihaw ng isaw.
"Aba ikaw ang bahala, kung gusto mo magpahinga ng isang taon sige. Nagtratrabaho ka rin naman, yung gig diba?" sagot niya saakin.
"Alam ko trabaho din yung gig, pero iba parin yung trabaho na professional" sabi ko pa.
"Ikaw nga ang bahala, kakulit" sagot niya.
"Pero Kuya okay lang ba na yung gig nalang maging trabaho ko?" tanong ko.
Tiningnan naman niya ko ng seryoso.
"Kung ikaw lang binubuhay mo ayos yon, pero pano kung may pamilya kana? Sige nga, tas ang gig lang natin ilang beses lang sa isang linggo" pangaral niya saakin.
"Si Kuya advance mag-isip! Ni-girlfriend nga wala ako" natatawa kong sabi.
Medyo napaisip din ako sa sinabi ko, naalala ko na naman tuloy si Xandie.
"Sinasabihan lang naman kita, pano kung ganon nga. Adult ka naman na, alam mo na yung dapat gawin" sabi pa niya.
"Sige pag-iisipan ko" proud kong sabi.
"Mag-isip ka ng maayos ah" sabi pa niya na tinawanan ko lang.
Nag-iihaw kami ngayon ng meryenda mamaya namin ng banda. Celebration kasi 200,000 subscribes na kami sa youtube. Nagcocover din kami ng mga kanta kahit sa video lang. May kinikita rin naman kami sa youtube.
"Anong oras na?" tanong saakin ni Kuya Timothy.
"3:47" sagot ko.
"Mag-ayos kana ng lamesa, magsisidatingan na yun" utos saakin ni Kuya.
Sinunod ko naman siya, inilapag ko na sa lamesa mga kakainin namin. Naglagay narin ako ng mga iba pang gagamitin sa pagkain.
Pagkatapos namin ni Kuya mag-ayos, naupo nalang kami sa salas habang hinihintay sila dumating.
"Kuya alam mo naba na binisita ni Qiel yung papa niya sa libingan?" tanong ko sa kanya.
"Oh?"
"Kwento saakin ni France na dinaldal ni Xandie sa kanya. Hindi saatin sinabi" sabi ko pa.
"Nahihiya yun, tsaka alam mo naman dahilan kung bakit ganon" sabi ni Kuya.
"Si Papa kaya Kuya, kamusta na kaya siya?" may lungkot na sabi ko kay Kuya Timothy.
"Malamang kasama niya parin yung bago niyang pamilya. Huwag mo ngang sayangin utak mo sa kakaisip sa taong yun" may inis na sabi ni Kuya.
"Simula nung umalis siya, wala na talaga siyang paramdam. Ni anino wala, kinalimutan na tayo non. Kaya kalimutan mo narin yun" sabi pa niya bago tumayo para pagbuksan si Kuya Veron na tumatawag mula sa labas.
"Nice, sakto gutom ako" bungad na sabi ni Kuya Veron.
Napatahimik naman siya bigla ng mapatingin saakin.
"Bakit ganyan mga mukha niyo? Akala ko kuya mo lang may problema, ikaw din pala. Bakit ba? Nag-away kayo?" sunod-sunod na sabi niya.
"Wala, hindi kami nag-aaway. May seryoso lang kaming pinag-usapan" sagot ni Kuya Timothy.
"Ano ba yon? Sabihin niyo saakin" usisa ni Kuya Veron.
"Hello everyone!" matinis na pasok ni Xandie sa loob ng bahay habang nasa likuran niya si Qiel.
BINABASA MO ANG
Music led us to be together
TienerfictieAlexandra Claire Coellin, a girl who loves to sing. She just entered a new university. A classmate of her introduced her to his band. She took the opportunity and she just shine in her own way. They sang together and their chemistry is above the top...