Chapter 22

62 6 1
                                    

Alexandra Claire's POV

"Bawal cold water ha" paalala ko sa mga kaibigan ko.

"Yes Ms. President!" sabay-sabay nilang sabi na ikinailing ko lang.

Simula nung tawagin akong president nung judge, yun na ang tawag din nila saakin.

Andito kami ngayon sa McDo, dito namin naisipan magmeeting para sa big performance na yon.

Hindi parin ako makapaniwala na sobrang close naming lahat. In 4 months of being here, halos kabisado na namin ang isa't-isa.

"Ano sayo?" tanong saakin ni Qiel.

"Usual" sagot ko, napatango-tango nalang siya.

Humanap na ko ng lamesa namin. Sampu kasi kami, kaya ang hirap maghanap ng kakainan.

"Dito nalang tayo, pagdikitin nalang" punta ni Cassie sa mahabang lamesa.

Pagkadikit namin ng dalawang lamesa naupo narin kaming anim na babae.

"May naisip naba kayo na gagawin?" tanong ko sa kanila.

"Wala pa" napahilamos sa mukha na sabi ni Sally.

"Nakakapressure" dugtong ni Julie.

"Kaya galingan na natin" napatango-tango kaming lahat sang-ayon kay Margarette.

"Isa pang magbubuhat don dali" tawag saamin ni Leo.

"Ako na" kusa ni Liza.

"Alexandra, alexandra" tawag saakin ni Cassie sa tapat ko.

Tiningnan ko lang siya.

"May nagtag sayo oh, nakita mo naba toh?" tas pinakita niya saakin yung phone niya.

Nanlaki mata ko sa nabasa ko.

Nagpost si Axel ng picture namin sa facebook.

"Sino yan? I miss you daw kapopost lang 5 hours ago" tanong ni cassie.

"Patingin" singit ni margarette.

Pinakita naman ni cassie sa iba yung picture.

"Sino yon Alexandra? Kaintriga ha, may Qiel kana" tanong ni julie.

"Oo nga" sang-ayon pa ng iba.

"Ex ko yon, anong may Qiel na ko?"

"Narinig ko pangalan ko, ano yon ha?" Nanunuksong bungad saamin ni Qiel na kadarating lang kasama ng iba buhat yung pagkain namin.

Nilapag naman na nila yung inorder namin.

"Pepper steak?" Lapag ni Qiel ng pagkain ko sa harapan ko, tinanguan ko naman siya at naupo sa tabi ko.

"Ano ba yung narinig ko?" tanong ni Qiel.

"May nagpost kasi sa fb na namimiss na daw si Alexandra" sabi naman ni Sally.

"Anong pangalan?" tanong ni Qiel.

"Axel Valentine Torres" sagot ni Cassie.

Napafacepalm nalang ako.

Napatingin nalang ako kay Qiel na nakakunot na ang noo.

"Huwag mong pansinin yang kung ano mang kagaguhan na yan" inis na tono niyang sabi kaya napatahimik nalang sila.

Napayuko nalang ako at napasapo sa ulo habang napapailing.

"Kain na tayo, maggagabi na" sabi ni Liza.

Music led us to be togetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon