Chapter 79: Her DreamMINHO POV
" Kamusta naman sila?"
" Ayos lang sila, wag kang magalala na. Safe sila" paninigurado ko rito.
" Hindi mawawala saaken na hindi sila isipin, napahamak sila ng wala ako sa tabi nila." May halong pagkaguilty ang tono ng boses nito..
" Ghail buhay pa si Hero, malaya parin ang taong yun kaya anytime pwedeng mapahamak ang apat. Kahit nasa tabi ka pa nila. Kaya wag mo sisihin ang sarili mo sa mga nangyare." Saad ko.
Madami na siyang ginawa para sa mga kaibigan niya. Kaya walang may karapatan na sumbatan siya..
" Pero may kasalanan parin ako Minho. Nagpanggap ako na patay na. Sinaktan ko sila ng sobra. Pati mga magulang ko." Hindi man siya tumingin saaken alam kong malungkot ang mga mata nito..
Matapang na tao si Ghail. Pero pagdating sa mga mahal niya sa buhay.
Mahina siya..
Kahit na cold pa siya at walang pakialam sa ibang tao. Marunong parin siyang masaktan..
" Magpakita kana sakanila."
Hindi ito kumibo agad..
Nahihirapan siya.. Mahirap ang ginawa niya. At alam niyang magagalit ang mga tao sakanya pero tinuloy parin niya.
Dahil mas iniisip niya ang kaligtasan ng iba. Kahit na makalimutan pa siya..
" Gusto ko,pero hindi ko magawa.. Iniisip ko mararamdaman nila kapag nagpakita na ako sakanila."
" Nahihirapan kana Ghail, alam ko yun. Miss na miss mona sila pero bakit ayaw mo pang sabihin ang totoo ng matapos na yan paghihirap mo?Look malalim na ang samahan niyong lima para hindi ka nila mapatawad. Beside may dahilan ka naman kaya mo un ginawa eh. Maiintindihan nila iyon." Magtiwala kalang Ghail..
Kung alam mo lang kung gaano sila nangungilala sayo..
" Mas lalong mapapahamak ang buhay namen kapag pinaalam ko na buhay ako.."
" Hindi na mangyayare iyon. Alam kong kaya mo silang protektahan. Saka andito din kami para sainyo. Ang RDG squad. Hindi namen kayo iiwan Ghail." Malaki ang tiwala ko sayo. Lalo na ang buong RDG..
Hindi na ito kumibo pa.
Sana naman makapagdesisyon na siya.. nahihirapan na siya magtago eh. Alam ko yon..
Natuon ang atensyon ko ng magring ang cellphone ko..
Tumatawag si Zeke..
Calling Fernandez.
" Fernandez, anong kailangan mo?"
Tumingin agad si Ghail saaken..
Nagtatanong ang mga mata nito.." Ano!Si Kim sinusundan si Hero?Paanong?"
Nabigla ako sa sinabi nito...
Inagaw agad ni Ghail ang Phone ko..
" Anong sabi mo?Asan si Kim hah?" Okay.. papuntahin mo ang Unosquad sa lugar kung nasaan si Kim.. Bilisan mo!" Sigaw nito at ibinaba na ang phone ko.
" Asan daw siya?" Damn. Anong pumasok sa isip ni kim para sundan si Hero..
" Pupuntahan ko siya.." aniya at mabilis na lumabas ng Hideout.
Sumunod agad ako rito.
Hindi magandang balita ito...
." Ghail anong gagawin mo?"
