CHAPTER 65

226 6 7
                                    


" Alex "

" Oh Ghail , may kailangan ka?" Tanong nito

Nasa Manila na kami, umuwi agad kami kahapon. Para saan pa para magtagal kami doon ? Kaya nagdecide na ako na umuwi na rito

Now, ngayon nalang kami nagusap ni Alex. Gusto ko kasing bigyan muna siya ng oras para makapagisip isip.

" Siguro sinabi niya sayo ang tungkol doon." Ayoko na sanang pagusapan pa ang bagay na yon,pero gusto ko lang iexplain sakanya ang lahat.
Ayoko isipin niya na ginusto ko.

" Paano mo nalaman na nagustuhan ka ni Ivan?" Diretsyong tanong nito.

" Pinaimbestigahan ko ang taong nagbibigay ng bulaklak saaken, then nalaman kona si Ivan pala ang taong yon, Pero napapansin kona ang bagay na un sakanya. " hinawakan ko siya sa kamay "Pero Alex hindi ko ginusto na maramdaman niya yun, after ko malaman lumayo naman ako sainyo dahil ayokong masira ang relasyon niyo ng dahil saaken pero siya na mismo ang gumawa ng ikakasira ng relasyon niyo. Al-"

" Dont worry Ghail, wala akong pakialam sa sinabi niya saaken about doon. Hindi mo na kailangan magexplain pa dahil alam ko naman na hindi mo siya binigyan ng pansin At saka hindi mo naman kasalanan kung bakit ka niya nagustuhan eh. Hindi ako galit sayo. Promise." Hindi ko inexpect na ganito ang sasabihin saaken ni Alex.

Natawa ako, dahil ngayon ko lang naisip na hindi ganun kababaw ang pagiisip nito.

" Oh bakit ka natawa? Ikaw pa na conservative sa mga lalake. Hindi ko inisip na magugustuhan mo si Ivan kaya kalimutan nalang naten un, hindi na importante saaken ang sinabi niya. I admit nasaktan ako , kasi kaibigan kita pero nawala din agad. Hindi ko sasayangin ang ilang taon na pagkakaibigan naten sa walang kwentang bagay Ghail." Aniya. At niyakap ako ng mahigpit.

I feel so blessed sa lahat ng sinabi niya. Well hindi ko lang ineexpect to.

Pinakawalan ko na siya sa pagkakayakap.

Pinagmasdan ko naman siyang mabuti at mukang nagiging okay na ulit siya, nakikita kona ang dating masayang mga mata nito. Ang glow ng mukha niya.

Maybe dahil sa closure nilang dalawa kaya paunti unti nawawala un sakit na nararamdaman niya.

" Mukang okay kana?"

Sumeryoso naman ito.
" Sa Totoo lang Ghail hindi pa masyado pero nakatulong ang paguusap namen dalawa, nailabas ko lahat ng galit ko sakanya, Ithink nailabas kona lahat ng sakit na kinimkim ko ng apat na taon. Anh takot na kapag nakita ko ulit siya ay maramdaman ko ulit ang sakit na naramdaman ko nun iniwan niya ako pero lahat ng un ay nalagpasan ko dahil sa tulong mo kung hindi dahil sayo baka hanggang ngayon hindi ko parin siya kayang harapin." Mahabang paliwanag nito.

Masaya akong marinig ang mga katagang iyon mula sakanya. Ngayon napanatag na ako na sooner or later totally healed na siya sa nakaraan nila ni Ivan.

Hinawakan ko ang kamay nito at tinitigan siya ng seryoso.

" Hindi kami mawawala sayo Alex, We're friends right. So damayan tayo sa lahat ng problemang dadaan saaten. Alam mo naman un hindi ba? Na handa akong tumulong, handa kaming damayan ka anytime na kailangan mo kami."

" Yeah, I know that Ghail, hinding hindi ko yan makakalimutan. Pero.."

" Pero ?"

" Si Lance. Hindi pa rin niya ako kinakausap. Tinatawagan ko siya pero walang sumasagot. Hindi ko alam kung bakit niya to ginagawa saaken Ghail, hindi ko naman siya sinisisi o hindi naman ako galit rito eh." Aniya na tila ba apektadong apektado.

The Queen GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon