ALEX AND LANCE SPECIAL CHAPTER...
" Welcome back Alex." Masayang bati sakanya ng mga kaibigan niya.
Napangiti siya ng makita ang mga ito.
Nilapitan agad siya ng mga ito at niyakap ." God!Namiss kita Alex." Wika ni Kim
" Me too. Namiss ko rin kayo guys."
Sobrang saya niya ng makita at makakasama niya ulit ang mga kaibigan.
Ang tagal din nilang hindi nagkasama.
" You look different" saad naman ni Mich.
" Different?Im not." Wala naman nagbago sakanya maliban sa nagmatured siya.
Siya pa rin naman si Alex..
5 years lang naman siyang nawala.Umuwi siya sa Amerika para asikasuhin ang business ng pamilya nila dahil nagkasakit ang daddy niya. Doon narin niya ipinagpatuloy ang pag-aaral dahil nagiisa lang naman siyang anak.
Responsibilidad niyang asikasuhin ang company nila.
" Oh anyway , umuwi na tayo para makapagcelebrate na sa pagbabalik ni Alex." Masayang saad ni Yannie
Sumangayon ang lahat.. Nilapitan naman siya ni Ghail.
" Ghail." Bigla siyang kinabahan ng titigan siya nito.
Limang taon na ang lumipas, si Ghail parin ang pinuno ng RDG.
" He knows?"
" W-what?" Hindi niya alam ang isasagot rito.
" Huwag mo sabihin, hindi mo sinabi sakanya?Alex hinintay ka niya. Tinupad niya ang pangako niya sayo. Hindi ka niya pinuntahan kahit gusto niya dahil yun ang sinabi mo."
Natahimik siya. Wala siyang maisasagot sa kaibigan.
Dahil hindi niya ito sinabihan na uuwi na siya at nahihiya rin siya.
Wala silang komunikasyon sa loob ng limang taon.
" Talk to him, Okay." Tumango na lamang siya rito.
Nakauwi na sila sa bahay.
Wala parin pinagbago ang bahay nila." Hindi namen binago ang bahay, dahil gusto namen pagbalik niyo. Ganito paren ang bahay naten." Ani Mich.
Hindi lang naman siya ang umalis, pati na rin si Kim at Yannie.
Bumalik lang sila rito ng nakapagasawa na.
Hindi nga siya nakaattend sa kasal ni Kim.
" Thanks guys." Naluluha niyang sambit.
" Hey, don't cry. Now we're complete. Hindi ka naman na siguro aalis no?" Ani Yannie.
" Hindi na. Okay na si Dad, saka dito na ako nakaassign. Ako na magtatakeover sa company namen rito." Aniya.
" Gosh. Mabuti naman," Si Kim.
Nakarinig naman sila ng sunod sunod na doorbell.
" I think they here." Ani Mich at lumabas na.
Nilapitan siya ni Yannie at umupo sila sa sopa.
" Sila Martin, sinabihan namen sila na uuwi kana so makakasama naten sila na magcelebrate. Don't worry he's not here. Sabi ni Jv, may concert sila sa new york." Paliwanag nito.
" Ayos lang naman ako, wag niyo ako alalahanin." Pero kinakabahan ito.
Hindi niya alam kung paano haharapin ang binata. Lalo't umalis siyang hindi niya ito nakakausap.