CHAPTER 76

79 3 2
                                    


ETHAN POV

Nagriring ang phone ko kanina pa pero hindi ko ito sinasagot.

Si Eva lang naman un tumatawag at kinukulit ako tsk.

Pauwi na ako sa bahay, galing ako sa coffee shop.

Sa labas lang naman ng subdivision ang coffee shop kaya mas pinili kona lamang maglakad.

Hanggang ngayon ginugulo pa rin ako ng nalaman ko.

Damn it! Sumasagi palagi sa isip ko ang babaeng yon!

Dapat hindi kona siya pinagtutuunan ng pansin ! Pero bakit ginugulo parin niya ang isip ko!

Napahinto ako ng makita ko ang grupo ng PxG.

Anong ginagawa naman ng mga yan rito?

Sinusubaybayan parin ba nila ako? Fuck!

Nagtago ako sa Puno sa gilid ng kalye.

Hindi na nila ako makikita rito.
Tumingin ulit ako sakanila at nakatingin sila sa ibang direksyon.

Sino naman ang sinusubaybayan nila rito?

Napatingin din ako sa tinitignan nila at. Laking gulat ko ng mamukaan ko ang taong yon.

Anong ginagawa niya rito?

Shet! Talaga bang gusto na niyang mamatay huh!

Mukang hindi pa siya nakikilala ng mga to.

Nakahood din kase ito pero sa pwesto ko ngayon , makikita mo talaga ang muka nito.

Anong gagawin ko?Once na makilala siya ng mga to, panigurado malalaman ni Hero na buhay pa siya.

Nakarinig naman ako ng dadaan na motor.

Nagmadali akong pinara ito.

Huminto naman ito sa harapan ko.

" Ano yon ser?"

" Pwede bang pasakay ako?babayaran nalang kita. Iihinto mo ako sa babaeng nakatayo sa gate." Saad ko.

Tumango naman ito kaya sumakay agad ako.

May cap naman ako kaya di nila makikita ang muka ko.

Nakahinga ako ng maluwag ng makalagpas kami sa mga PxG.

Problema ko na lamang ang babaeng yon.

Bumaba agad ako sa harapan nito at inabot ang pera sa lalake.

Mukang hindi pa niya ako nakikilala dahil hindi ito nagsasalita.

" Salamat ser." Saad nun lalake at umalis na.

Hinawakan ko naman ito na siyang kinagulat niya.

Pinatalikod ko agad siya.

" Wag kang haharap kung ayaw mo makita ka ng mga kalaban mo." Sambit ko at hinila na siya.

" Sandali, bakit moba ako hinihila huh?" Singhal nito.

" Sa tingin mo ba makakaalis ka rito? Siguro naman aware ka na nakamasid ang mga Pxgang dito. Pero nagpunta ka paren rito!" Inis na sambit ko

Problema na naman kase to eh. Ayoko man na madamay pa, wala akong choice kundi isama siya sa bahay.

Nakapasok na kami sa subdivision. Saka ko lang siya binitiwan.

" Ano bang problema mo Ethan? Nanahimik ako sa labas eh. Pinasok pasok moko rito!" Siya pa may ganang magalit ha.

" Gusto mona bang mamatay?nakaabang ang mga tauhan ni Hero sa labas. Sa tingin mo makakadaan ka jan? " Hindi naman siya tanga para hindi maisip yon noh.

The Queen GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon