SPECIAL CHAPTER 1

22 2 0
                                    

KIM AND MARTIN SPEACIAL CHAPTER..

" Martin!Anong ginagawa mo rito?"  Hindi makapaniwala si Kim ng makita ang fiance na nasa veranda ng kwarto niya.

" I want to see you Kim, damn!Isang linggo tayong hindi nagkita." Niyakap agad siya nito.

" Malalagot ka kapag nakita ka ni daddy, saka nasa tradisyon yon na bawal magkita kapag ikakasal na. Martin naman sumunod ka."

Bukas na ang kasal nila. Ilang buwan sila nagprepare para sa kasal nila.

Graduate na sila ng college. Kaya ang pagpapakasal naman nila ang inayos nila. Ilang taon din sila naghintay.

" Kim naman, isang araw pa nga lang na hindi kita nakikita nababaliw na ako. Isang linggo pa kaya damn it!" Lihim na kinilig si kim sa sinambit ng binata.

Namiss niya rin ito pero kailangan nilang tumupad sa tradisyon. Kaya kahit miss na miss niya ito hindi niya magawang makipagkita rito sa personal.

Ngayon nasa harapan niya ang binata.

Malalagot talaga sila nito.

" Look Martin, I miss you too but please umuwi kana. Kailangan naten tumupad sa tradisyon. Kaya now umuwi kana." Pagmamatigas niya.

" No. Kim please, im stay here. Please. Makakasal tayo bukas. So don't worry."

" No! Umuwi kana please. Ayokong may mangyareng masama. Makinig ka saaken Martin." Kailangan niyang labanan ang nararamdaman kahit ngayon lang.

Pero ayaw talagang umuwi ni Martin.
Lumapit ito sa dalaga at walang pasabing inangkin nito ang labi niya.

Sa sobrang pagkagulat ni Kim, hindi niya nagawang pigilan o itulak ang binata.

Hanggang sa namalayan nalang niyang nakahiga na siya sa kama niya habang patuloy parin ang halikan nila ni Martin.

20 years later..

" Zack, nakapasok kana ba?" Sambit ni Gio sa kabilang linya.

" Yeah, now move. Ako na bahala sa labas at loob." Tugon ni Zack na mabilis na nagtytype sa laptop niya.

Napapanood nito sa monitor ang nangyayare sa labas at loob.

Hinack niya ang cctv ng bahay na pinasok nilang magkakaibigan.

May malaki silang misyon ngayon, at hindi sila pwedeng mahuli.

Bihasa ito sa paghahack. Sa bilis ng kanyang kamay na namana niya sa kanyang ina na si Kim.

Habang ang mga kaibigan niya ang pumapasok sa loob at nakikipaglaban. Well, nakikipaglaban din naman siya pero madalas siya ang lookout ng mga ito.

" Zone 5, may papasok na tatlong lalake. May hawak silang mga baril." Update niya sa mga kasamahan.

" Thanks man." Tugon ni Ren.

Tuluyan ng nakapasok ang mga kaibigan niya at nakikipaglaban.

Nakafocus lang siya sa pagbabantay upang walang masaktan sakanila at hindi masira ang misyon nila.

Kailangan nilang mahuli ang isa sa boss ng malaking sindikato sa pilipinas.

Napabalikwas sa inuupuan si Zack ng makita niyang may babaeng nakakulong sa isang kwarto at hinaharas ito.

Kumulo agad ang dugo niya.

" fuck!"

" Why?What happen Zack?" Ani Hiro ng marinig siya nitong nagmura.

The Queen GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon