CHAPTER 12
" Kuya saan kaba galing ha?" Bungad na tanong ni Apple rito.
Kauuwi ko lang at sinalubong agad ako ng tanong ng kapatid ko.
Wala naman akong balak na sagutin iyon kaya nilagpasan kona lang siya. Kaya lang humarang ito
" Apple umalis ka sa daanan"
" ayoko hanggat hindi mo sinasabi kung saan ka nagpunta." Pangungulit nito
" Somewhere. Okay naba?"
" Hindi. Kase hindi mo ako sinagot ng maayos eh. So saan kanga galing ha?Kanina kapa hinahanap ni Mama" palusot nito. Nagpaalam naman ako rito.
" shut up Apple. Padaananin mona ako." Pero hindi parin ito natinag at nanatili paren sa daan.
" Nabalitaan ko may babaeng nasaksak because she save you, its true kuya?" Saan naman niya nalaman ang tungkol doon?
" Sino nagsabi sayo niyan?"
" Just answer me Kuya Ethan, totoo ba yon?then who is she?"
" No." Tinulak ko ito para makadaan na ako. Hindi naman malakas yon
Ayoko na kase pagusapan at isipin pa ang babaeng yon.
Nasaksak siya, hindi dahil iniligtas niya ako kundi sa pangingialam niya.
Ano ba pumasok sa isip ng babaeng yon para mangialam.
Ang lakas ng tama. Kababaeng tao, nakikibasag ulo!
KIM POV
Andito parin kame sa hospital dahil bawal pa lumabas si Ghail
Nais na niyang umuwi eh.
" gusto kona umuwi."
" Nako nako Couz, hindi pa pwede. Kakatahi palang yan saksak mo ha." Saad ni Mich
" Mababaw lang eto, ano ba kayo. Hindi ako mamamatay dahil sa maliit na sugat nato." Aniya
" Wag ka Ghail, kasalanan mo yan. Nangialam kapa kase sa away ng dalawa eh. Ayan nasaksak ka." Sermon ko rito.
T" Lahat ng gulo na si jacob ang may gawa, hindi ko pinapalagpas . Alam niyo yan. Kahit pa si Ethan payon."
" Masyado ka naman kase. Galit na galit ka kay Jacob."
" Nakakabwiset naman talaga yon" sambit ni yannie
Isa pa to eh.
" bakit ka kase nagpasaksak Ghail."
" Aba! Kasalanan kopa ba na nasaksak ako." Hayss..
" Hindi sa mali yon ginawa mo pero pinagalala mo kame eh. Mabibigla nalang kami na nasaksak ka ng hindi namen nalalaman kung ano ang nangyare na sayo. Were worried about you Ghail." Seryosong sambit ni Mich
Hindi na ito kumibo pa. Nakaramdam naman ako ng gutom.
Ang tagal naman kase ni Alex. Hayss
" Bili muna tayo ng makakain. Nagugutom na ako eh" pagiiba ko sa usapan.
" samahan na kita Kim" ani ni Yannie
"May ipabibili kayu?" Ask ko sa dalawa.
" bahala na kayo" sagot nalang nila. Kaya naglakad na kame paalis. Bahala kame sabi nila eh.
Habang nasa daan kami. Nagsalita si Yannie
" bakit kaya di niya dalawin si Ghail. Ang lalakeng un walang Konsensya! Matapos Iligtas eh" inis na sabi ni Yannie.