CHAPTER 45

169 5 0
                                    

Chapter 45: HERO WILLSON AND EZEKIEL FERNANDEZ

" Uno" napatingin ako kay Eros na may hawak na papel. " napagalaman namen na hindi magkasabay na nagpunta dito sila Ethan david at isa nitong kasama, at si Ezekiel Fernadez. Nauna si Fernandez na nagtungo rito. ". Aniya at ipinakita ang time of date kung kailan nagtravel rito si Zeke at sila Ethan.

Base rito 8 am palang nandito na si Zeke. At sila Ethan naman ay 12 pm . So paanong magkasama silang tatlo doon sa Hotel?

Or kaya lang sila magkakasama dahil sa nangyareng gulo roon?

" How about sa Hotel? Magkakasama sila sabi ni Tyler"

" Chineck ko rin Uno kung sa iisang hotel lang sila nakacheckin at positive na doon din nakacheckin si Ezekiel. Pero hiwalay ang mga kwarto ng mga ito. Si Ethan david at martin sy lamang ang magkasama sa isang kwarto. " sagot nito.

Argh. Ano ba talaga ang dahilan nila para pumunta sila rito?

Sinusundan ba kami ni Zeke ? Posible un dahil sa ginawa ko. Gusto niya akong gantihan? O dahil alam niyang andito ang PxGang ?

Damn!

" Nahihirapan kana isipin kung bakit andito sila?" Napatingin naman ako sa nagsalita. Si Jacob .

" Tch. Bat andito ka? Sinabi ko bang lumabas ka!" Singhal ko rito.

Well hinayaan ko lang na maging malaya muna siya. Bantay sarado naman ang hideout na ito.

At isa pa may device akong inilagay sa katawan niya.

Hindi niya yun mapapansin o mararamdaman.

Mahahanap ko siya kahit saan man siya magpunta.

" oh narinig ko kasi ang usapan niyo, so gusto mo makilala si Ezekiel Fernandez?" Aniya

.

" Sabihin monga saaken, Sino ba talaga si Ezekiel?"

Ngumisi naman ito at tinignan si Tyler na tahimik lang na nakaupo at nakikinig.

" well si Ezekiel ang matalik na kaibigan namen ni Ethan noon highschool kami. We're Friends you know bago pa nagkaroon ng issue sa pagitan namen ni Ethan" panimula nito..

" Anong issue?"

" his ex girlfriend minerva, " Tch that girl! " Also my ex-girlfriend. Kaya ganun nalang ang naging galit saaken ni Ethan. And then our friendship ends" wow naman. Nagaway sila dahil sa iisang babae?

" wow ha. Talagang ex pa ng kaibigan mo jinowa mo? " singhal ko rito.

" Si Zeke diba ang gusto mong makilala bakit si Ethan pa ata ang gusto mo makilala Ghail Tan?" Ngisi nito Tch.

" sabihin mona lahat lahat Jacob, ayoko magaksaya ng oras. " singhal kona lang dito dami pa satsat eh.

" pumunta si Zeke sa US para magaral doon ng college. Then after that nalaman ko nalang na Kasali na siya PxGang na nabuo na pala ulit. " natigilan ako sa huli nitong sinabi.

" anong sabi mo? Nabuo ulit? What do you mean !" Masyado nakong naguguluhan sa sinasabi ng lalakeng to.

" hindi mo alam or hindi mo lang natatandaan Ms.Tan?" May diin sa pagkakasabi nito na tila ba gusto pa siyang sabihin.

" Tch. Wag mona ko paikutin pa Jacob. Hindi ako nakikipagbiruan sayo. Sabihin mo nalang ang nalalaman mo!".

" 5 years ago, ang pangalawang pinaka malakas na Gang sa Pilipinas. Ang BTGang" wait what.

The Queen GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon